Professorial Chair Lecture for the Br. Vincenzo Dela Croce FSC Professorial Chair in Business Economics
Ang Dalawang Mukha ng mga Pamamaraan sa Tumbasang Pagkilala o Mutual Recognition Arrangements sa mga Serbisyong Profesiyonal sa Integrasyong Ekonomiko ng ASEAN
AKI Director
De La Salle University17 August 2018, Friday
Room 408, Yuchengco Seminar Room, (Y408)
2:30-4:00pm
Ang magaan at malayang paglilipat ng mga sanay na mangagagawa sa rehiyon ay isa sa mga aksyong hinahangad ng ASEAN Economic Community (AEC) upang isabuo ang mga ekonomiya sa rehiyon. Ang paglilipat ng mga sanay na manggagawa, kasama ang mga profesiyonal, ay pinagagaan ng iba’t ibang kasunduan sa kalakalan sa serbisyo sa rehiyon. Partikular dito ang mga kasunduan patungkol sa paggalaw ng mga likas na tao o movement of natural persons (MNP) at mga pamamaraan sa tumbasang pagkilala o mutual recognition arrangements (MRAs). Tatalakayin sa panayam ang dalawang pangunahing epekto ng paggalaw ng mga sanay na manggagawa partikular ang mga pamamaraan ng tumbasang pagkilala. Una, sa magbabalik tanaw ng iba’t ibang pag-aaaral susuriin ang ang papel ng mga MRA sa pagpapalawak ng integrasyon sa rehiyon sa pamamagitan ng malayang galaw ng mga sanay na manggagawa. Ikalawa, tatalakayin din ang papel ng mga MRA sa pagpapahusay ng kalidad ng mga profesiyonal sa rehiyon. Partikular na bibigyan ng pansin ang pagsusuri ng iba’t ibang aspeko ng pagpapahusay ng yamang tao na nakapaloob sa iba’t ibang pamamaraan ng tumbasang pagkilala ng mga profesiyonal. Fellowship Lecture presents (1) some results of an ASEAN-wide survey on what ASEAN means to ASEAN people, including their aspirations and expectations for 2025; and (2) three key global developments. It then proceeds to discuss key measures for a dynamic and inclusive integration in ASEAN. The lecture concludes with some projections on the possible state of the ASEAN economies by 2025 and 2035