MASTER SA SINING SA ARALING FILIPINO Wika-Kultura-Midya MAARFIL
(MASTER OF ARTS IN PHILIPPINE STUDIES-Language, Culture, Media)
A. Batayang Kurso 6 units
B. Eryang Pangmedyor 15 units
C. Elektib 6 units
D. Internsyip 3 units
E. Tesis 6 units
Kabuuan 36 units (Walang Komprehensibong Eksam, bagkus kailangang makumpleto ang internsyip)
*Pre-requisites (kapalit ng ENG501/502)
AFL501M/D. Mapanuring Pagsulat
Pre-requisite na kurso ito bilang paghahanda sa kasanayan ng masinop at mahusay na pagsulat ng mga gradwadong mag-aaral. Binibigyang diin dito ang masinsin na editing ng mga textong panturo at diskursibo sa iba’t ibang larangan.
AFL502M/D. Editing at Pagsasalin sa Filipino
Pre-requisite nito ang AFL501M/P. Kurso ito para higit pang mapalawak at mapalalim ang kritikal, lohikal, malikhain, at maka-lipunang pag-iisip ng estudyante tungo sa kanyang pagiging kalahok sa produksyon ng mga mapanuring sulatin.
A. Batayang Kurso
AFL520M. Introduksyon sa Wika, Kultura, at Midya
Panimulang talakay sa isyu, teorya, kontent ng mga eryang magsisilbing pundasyon ng pagaaral. Matutunghayan din dito ang kahulugan, isyu at debate tungkol sa inter/multidisiplinaring lapit ng Araling Filipino.
AFL521M. Riserts sa Araling Filipino
Gamit ang multi- at interdisiplinal na dulog, metodo, aplikasyon ng teorya, pagsulat at pananaliksik sa Filipino, ang kursong ito ay inilalaan para malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga gradwadong mag-aaral na suriin, sipatin at unawain ang penomenon/objetk/sabjek ng pag-aaral sa Araling Filipino.
AFL850M.Internsyip.
Kinukuha ito bilang pagtupad sa integrasyon at paglalapat ng lahat ng akademikong araling kinuha sa programa bilang paghahanda sa tesis. Kailangang maidefensa ang panukalang tesis sa yugtong ito. Susubaybayan at gagabayan ng isang experto at kilalang awtoridad sa paksa ang estudyanteng kukuha nito.
B. Eryang Pangmedyor
1. Wika
AFL530M. Pundasyon ng Edukasyong Pangwika.
Panimulang talakay sa isyu, teorya, kontent ng mga eryang magsisilbing pundasyon ng pagaaral. Matutunghayan din dito ang kahulugan, isyu at debate tungkol sa inter/multidisiplinaring lapit ng Araling Filipino.
AFL603M. Kurikulum sa Filipino
Pagpaplano at pamamahala ng mga programa para sa Filipino – wika, kultura, at midya; mga simulain ng pagpaplano ng programa at pamamahala, pagkuha ng staff at pagsasanay, ebalwasyon at rebisyon ng programa.
AFL642M. Analisis ng Diskors
Pag-aaral ito ng iba’t ibang diskurso sa larangan ng midya at panlipunang interaksyon batay sa texto at talastasang verbal. Binibigyang pansin dito ang kritikal at formal na pagsuri sa mga diskursong umiinog dulot ng ugnayan ng wika at ng iba’t ibang usaping pampolitika, panlipunan at pangkultura.
AFL900M. Seminar sa Wika
Mga tanging paksa sa pag-aaral ng wika na nakafokus sa mga praktikal na paglalapat ng teorya ng pag-unlad nito. Tatalakayin ang mga kontemporanyong isyu at kalakaran sa pagaaral at pagtuturo ng wika sa bansa.
AFL628M. Pagsasalin sa mga Disiplina
Pagtupad ito sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino na magamit sa pagtakalay at pagsasalin ng mga mahahalagang texto sa agham panlipunan, humanidades at iba pang mga disiplina.
2. Kultura
AFL600M. Mga Sining sa Bansa
Pag-aaral sa kasaysayan at kasalukuyang estado ng iba’t ibang sining sa bansa at mga lapit sa pag-aaral nito.
AFL601M. Panitikang Bayan
Kursong tumatalakay ito sa pag-usbong ng panitikang bayan, maging ang pagsipat sa konsepto ng bayan/bansa at mga puwersang nagbibigay hugis sa panitikan sa bansa.
AFL626M. Filipino at Lipunang Pilipino
Binibigyang diin nito ang ugnayan ng wikang Filipino, mga Filipino at ang lipunang ginagalawan. Pag-aaral ito sa istrukturang panlipunan, institusyon, grupo at komunidad na bumubuo sa pagkataong Filipino.
AFL645M. Sikolohiyang Filipino
Pagtalakay ito sa naging simulain ni Virgilio Enriquez at ng iba pang sumunod sa yapak niya tungkol sa diwang Filipino, pagpapahalagang Filipino at mga kaisipang humuhubog sa kaisipan, kamalayan at kalooban ng mga Filipino.
AFL664M. Lokal na Kasaysayan
Tututukan ng kursong ito ang kasaysayan ng bayan, kasaysayan ng pook o kasaysayan mula sa ibaba.
AFL700M. Pilosopiyang Filipino
Ang kursong ito’y pag-aaral sa karunungang Filipino mula sa mga pag-aaral ng mga iskolar at pilosopong akademiko sa bansa batay sa sosyo-kultural, at iba pang lapit, na pag-inog nito.
3. Midya
AFL602M. Seminar sa Kulturang Popular
Ang kurso ay nagbibigay-linaw sa definisyon, dynamismo, posibilidad at limitasyon sa panlipunang transformasyon, at panunuri ng kulturang popular. Ito ay makakapag-ambag sa pagpapalalim ng pagtuturo, pananaliksik, panunuri sa kulturang popular.
AFL603M. Midya at Lipunan
Ang kurso’y naglalayong siyasatin ang daynamikong ugnayang ng midya at lipunan mula sa kasaysayan ng midya sa bansa hanggang sa pag-unlad nito dala ng iba’t ibang impluwensya, tulad ng globalisasyon at transkapitalismo.
AFL604M. Midya at Pagtuturo
Pag-aaral ito sa paggamit ng radyo, telebisyon, pelikula, print at new media sa pagtuturo sa classroom setting.
AFL605M. Midya at Diaspora
Pagsusuri ito ng mga anyong pangmidyang tumatalakay sa migrasyon, paninirahan, paghahanap-buhay ng mga Filipino sa Amerika, Gitnang Silangan, Timog Silangang Asya at iba pang bahagi ng mundo. May empasis ito sa paksaing tumatalakay sa kaakuhan, pagkabansa at kulturang Filipino sa ibang bansa.
AFL606M. Pagsulat sa Midya
Woksyap ito ng pagsulat sa midya sa Filipino.
C. Electib
AFL601M. Materyal Panturo
Seminar-worksyap sa paghahanda ng mga kagamitang panturo. Ang awtput ng worksyap ay pantulong sa pagtuturo na ihaharap sa klase sa anyong pakitang-turo bilang pagsubok ng bisa ng mga materyal.
AFL620M. Politika ng Wika
Binibigyang diin dito ang daynamikong gamit ng wika bilang kapangyarihan o instrumentong humuhubog sa kilos, kaisipan at kamalayan ng mga tao. Titingnan din dito ang konsepto ng komunikatibong aksyon at ang posibilidad ng publikong talastasan.
AFL625M. WF at Sekswalidad
Multidisiplinal na pag-aaral ito sa usaping pan-gender at sekswalidad sa kultura at diskursong Filipino.
AFL641M. WF at Globalisasyon
Pagsusuri ito sa ugnayan ng wikang Filipino at globalisasyon, maging ang reaksyong kultural, politikal at ekonomik tungkol sa usapin ng nagbabagong anyo ng buhay, pananaw, pilosopiya at lipunan.
AFL671M. Malikhaing Pagsulat
Worksyap sa isa o iba pang kategorya ng katha na may mga pagsasanay sa pagrerebisa ng mga akdang ipalilimbag; ang peer critique ay malaking bahagi ng kurso; may awtput na maaaring isang mahabang maikling kuwento, set ng mga tula o isang dulang tatatluhing yugto.
AFL708M. Edukasyon at Pambansang Kaunlaran
Binibigyang pansin dito ang kahalagahan ng tradisyunal at bagong paradaym sa pag-aaral at pagsusuri ng edukasyon sa bansa at kung papaano ito nakatutulong sa pambansang kaunlaran.
AFL701M. Filipinong Ispiritwalidad
Pagtalakay ito sa kasaysayan ng pananampalatayang Filipino mula sa batis ng katutubong relihiyon, Kristiyanismo, Islam at iba pang relihiyon sa bansa. Susuriin ang malalim at mahalagang ugnayan ng relihiyon sa lipunan, kultura at politika sa bansa.
AFL711M. Obra Maestra sa Filipino
Pagbasa sa mga obra maestra na nagbibigay-diin sa mga obra na bumago sa tunguhin sa kasaysayan ng literatura sa Pilipinas; isang maikling sarbey sa mga kilusan at mga tema ng literatura ang tatalakayin sa pagsisimula ng kurso.
AFL730M. Kasaysayang Pampanitikan
Pagbasa / pag-aaral sa kasaysayan ng literaturang Filipino na nasusulat sa iba’t ibang bernakular at mga wikang dayuhan, na nagbibigaydiin sa mga pangunahing awtor, tema, kilusan at panahon.
AFL735M. WF at Kontemporaryong Akda
Pagbasa at pagsuri ito ng mga kontemporaryong akdang pangmidya, kultural, at iba pang “texto” gamit ng kritikang pampanitikan.