DOKTOR SA PILOSOPIYA SA ARALING FILIPINO-Wika, Kultura, Midya (PHARFIL)
(DOCTOR IN PHILOSOPHY IN PHILIPPINE STUDIES-Language, Culture, Media)
The Doctor of Philosophy in Filipino Studies – Language, Culture, and Media Program aims to develop scholars who will help in the further intellectualization of the Filipino language and from new insights on the language with focus on language, culture, and media. Designed for teachers and researchers in the field, it trains them to be research-oriented, and competent in teaching the subject matter.
A. Batayang Kurso 6 units
B. Eryang Pangmedyor 15 units
C. Elektib 9 units
D. Internsyip 6 units
E. Disertasyon 12 units
Kabuuan 48 units (May Komprehensibong Eksam)
*Pre-requisites (kapalit ng ENG501/502)
AFL501M/D. Mapanuring Pagsulat
Pre-requisite na kurso ito bilang paghahanda sa kasanayan ng masinop at mahusay na pagsulat ng mga gradwadong mag-aaral. Binibigyang diin dito ang masinsin na editing ng mga textong panturo at diskursibo sa iba’t ibang larangan.
AFL502M/D. Editing at Pagsasalin sa Filipino
Pre-requisite nito ang AFL501M/P. Kurso ito para higit pang mapalawak at mapalalim ang kritikal, lohikal, malikhain, at maka-lipunang pag-iisip ng estudyante tungo sa kanyang pagiging kalahok sa produksyon ng mga mapanuring sulatin.
A. Batayang Kurso
AFL520D. Mga Batayang Kaisipan/Teorya sa Wika, Kultura at Midya
Panimulang talakay sa isyu, teorya, kontent ng mga eryang magsisilbing pundasyon ng pag-aaral. Matutunghayan din dito ang kahulugan, isyu at debate tungkol sa inter/multidisiplinaring lapit ng Araling Filipino. May empasis ito sa pagteteoryang Filipino at pagbubuo ng karanungang Filipino.
AFL521D. Riserts sa Araling Filipino
Gamit ang multi- at interdisiplinal na dulog, metodo, pagteteoryang Filipino, pagsulat at pananaliksik sa Filipino, ang kursong ito ay inilalaan para malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga gradwadong mag-aaral na suriin, sipatin at unawain ang penomenon/objetk/sabjek ng pag-aaral sa Araling Filipino.
AFL910D. Internsyip
Matapos maipasa ang komprehensibong eksamen, kinukuha ito ng estudyante bilang pagtupad sa integrasyon at paglalapat ng lahat ng akademikong araling kinuha sa programa bilang paghahanda sa disertasyon. Kailangang maidefensa ang panukalang disertasyon sa yugtong ito. Susubaybayan at gagabayan ng isang experto at kilalang awtoridad sa paksa ang estudyanteng kukuha nito.
B. Eryang Pangmedyor
1. Wika
AFL603D. Kurikulum sa Filipino
Pagpaplano at pamamahala ng mga programa para sa Filipino – wika, kultura, at midya; mga simulain ng pagpaplano ng programa at pamamahala, pagkuha ng staff at pagsasanay, ebalwasyon at rebisyon ng programa.
AFL642D. Analisis ng Diskors
Pag-aaral ito ng iba’t ibang diskurso sa larangan ng midya at panlipunang interaksyon batay sa texto at talastasang verbal. Binibigyang pansin dito ang kritikal at formal na pagsuri sa mga diskursong umiinog dulot ng ugnayan ng wika at ng iba’t ibang usaping pampolitika, panlipunan at pangkultura.
AFL640D. Pagpaplano ng Wika sa Umuunlad na Bansa
Pagsusuri ito ng mga problema, isyu at mga programang may kinalaman sa polisiyang pangwika ng bansa, maging ang plano/programa hinggil sa lalong pagpapaunlad nito.
AFL641D. Napapanahong Isyu sa Wika at Midya
Napapanahong paksa sa pagtuturo ng wika at midya na nakafokus sa isa o higit pang mga pangunahing isyu at debate hinggil dito.
AFL641D. Napapanahong Isyu sa Wika at Midya
Pag-aaral at seminar-worksyap ito sa pabubuo ng diksyunaryong Filipino.
AFL900D. Seminar sa Wika
Mga tanging paksa sa pag-aaral ng wika na nakafokus sa mga praktikal na paglalapat ng teorya ng pag-unlad nito. Tatalakayin ang mga kontemporanyong isyu at kalakaran sa pag-aaral at pagtuturo ng wika sa bansa.
2. Kultura
AFL701D. Pilosopiya ng Kultura
Tatahakin nito ang landas-pag-aaral sa pilosopiya ng kultura gamit ang kanluraning pilosopiya, maging ang pilosopiyang nagmumula kina Bienvenido Lumbera, Renato Constantino, Isagani Cruz, Soledad Reyes, Teresita Maceda, Rolando Tolentino at marami pang iba.
AFL702D. Kasaysayang Kultural ng Pilipinas
Pag-aaral ito sa kasaysayan ng kalinangang Filipino at ang pag-unlad nito sa gitna ng nagbabagong panahon, kalakaran at mga kaisipan.
AFL702D. Pilipinas at Timog-Silangang Asya
Paglulugar ito sa Araling Filipino sa kontexto ng pag-aaral sa Timog-Silangang Asya. Pangunahing layon ng kurso ang komparatibong suri at sipat ng kultura, kasaysayan ng Pilipinas at mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
AFL703D. Etnisidad, Kaakuhan at Pagkabansa
Pagtalakay sa mga konsepto, debate, isyu, at iba pang teorya kaugnay ng etnisidad, kaakuhang Filipino at pagbubuo ng bansa.
AFL704D. Diasporang Filipino
Seminar ito sa kasaysayan ng “dispersyon” ng Filipino sa iba’t ibang kultura, nasyon-estado, lipunan o sa globalisadong mundo.
AFL709D. Pamamahala ng Edukasyong Pangkultura
Kurso itong nagbibigay saysay sa kahalagahan ng pamamahala ng edukasyong kultural sa bansa tulad ng NCCA, CCP at iba pa, gamit ang edukasyunal, sosyolohikal at institusyunal na mga teorya/lapit.
3. Midya
AFL604D. Midya at Pagtuturo
Pag-aaral ito sa paggamit ng radyo, telebisyon, pelikula, print at new media sa pagtuturo sa classroom setting.
Kritika at Teorya sa Pagsulat sa Midya
Paggamit ng kritikang pampanitikan, teorya/kritikang panlipunan at mga teoryang may kinalaman sa pagsulat sa Midya.
AFL705D. Wikang Filipino at Araling Pangmidya
Pagtakalay ito ng ugnayan ng Wikang Filipino at ang posibilidad na matalakay sa teoretikal, diskursibong level ang mga araling may kaugnayan sa midya. May empasis din ito sa pagbubuo ng teoryang pangmidya sa Filipino.
AFL706D. Seminar sa New Media
Seminar-worksyap ito sa pag-aaral ng New Media tulad ng cellphone, internet at iba pa.
AFL707D. Seminar sa Kulturang Biswal
Seminar-worksyap ito sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng biswal na texto/midya sa bansa.
C. Elektib
AFL611D. Semiotika, Analisis ng Texto at Representasyon sa Midya
Pagsasama-sama ito ng semiotika at analisis ng diskors upang suriin ang texto ng/representasyon sa midya.
AFL622D. WF at Cyberspace
Panimulang pag-aaral ito sa lugar at tunguhin ng wikang Filipino sa mundo ng internet.
AFL626D. Filipino at Lipunang Pilipino
Binibigyang diin nito ang ugnayan ng wikang Filipino, mga Filipino at ang lipunang ginagalawan. Pag-aaral ito sa istrukturang panlipunan, institusyon, grupo at komunidad na bumubuo sa pagkataong Filipino.
AFL645D. Sikolohiya ng Wika
Pag-aaral sa penomena ng pagkatuto ng wika, kasama ang mga mekanismong biyolohikal ng mga sangkap sa pagsasalita, modelo ng pagkatuto ng wika, pag-aaral ng una at pangalawang wika, bilinggwalismo at linguistic ontogeny.
AFL645D. Sikolohiyang Filipino
Pagtalakay ito sa naging simulain ni Virgilio Enriquez at ng iba pang sumunod sa yapak niya tungkol sa diwang Filipino, pagpapahalagang Filipino at mga kaisipang humuhubog sa kaisipan, kamalayan at kalooban ng mga Filipino.
AFL683D. WF sa Siensya at Teknolohiya
Panimulang pag-aaral ito sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng siensya at teknolohiya.
AFL700D. Pilosopiyang Filipino
Ang kursong ito’y pag-aaral sa karunungang Filipino mula sa mga pag-aaral ng mga iskolar at pilosopong akademiko sa bansa batay sa sosyo-kultural, at iba pang lapit, na pag-inog nito.
AFL711D. Mga Natatanging Isyu sa Kaunlarang Pambansa
Seminar ito tungkol sa mga nagbabagang isyung pang-ekonomiya, politikal, at panlipunan na may implikasyon sa kaunlarang pambansa.
AFL711D. Obra Maestra sa Filipino
Pagbasa sa mga obra maestra na nagbibigay-diin sa mga obra na bumago sa tunguhin sa kasaysayan ng literatura sa Pilipinas; isang maikling sarbey sa mga kilusan at mga tema ng literatura ang tatalakayin sa pagsisimula ng kurso.
AFL735D. WF at Kontemporaryong Akda
Pagbasa at pagsuri ito ng mga kontemporaryong akdang pangmidya, kultural, at iba pang “texto” gamit ng kritikang pampanitikan.