Ang Manunggul Jar Project ay taunang proyekyong pangkomunidad ng Departamento ng Filipino mula pa noong 2015. Binuo ang konseptong ito sa pangunguna ni Dr. Ernesto V. Carandang II, Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, upang tulungan ang susunod na henerasyon ng mga migranteng Filipino sa Italya na matuto at mapahalagahan ang wika at kulturang Filipino.