MALAY Research Journal
Overview
Ang Malay, isang multi/interdisiplinaring journal sa Araling Filipino ng Pamantasang De La Salle na internationally refereed at abstracted, ay inililimbag makalawa isang taon sa ilalim ng pamamahala ng De La Salle University Publishing House para sa Pamantasang De La Salle. Bilang journal na multi-disiplinari, nagtatampok ang Malay ng mga papel, pananaliksik, at artikulong naglalahad ng mga kaisipan at kaalaman mula sa iba’t ibang disiplina sa larangan ng Araling Filipino. Ang mga ideya, pagkukuro, at paninindigan ng mga may-akda ay pananagutan nila at hindi repleksyon ng mga paghahaka at patakaran ng mga patnugot, ng kaguruan, o ng pangasiwaan ng Pamantasang ito.