De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
Walang Halong Biro

by: Mesandel Virtusio Arguelles
Published and distributed by
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2018
ISBN 978-971-555-663-7
“Aporetiko ang Walang Halong Biro ni Mesándel Virtusio Arguelles: naglalaro ang makikitid na linya sa malalawak na mga patlang ng di kailanman mareresolbang balintuna upang mabuo ang kabatiran ng tula. Tila sinasabing nasa buod ang kontaminasyon ng wika, kahit sa pinakadalisay at pinakalantad na anyo ng walang kahalo-halong birong mga salita. Pinipilit ng aklat na maitulak pa ang kabuluhan ng kontradiksyon kapag pinaulit-ulit sa pinakahubad na talata ang pagpiga ng tayutay sa pinakamaiikling linya. Tunay na eksistensyal, itinatanong ng mga akda dito hindi lang ang limitasyon ng pagkamatulain kundi ang mismong limitasyon ng Tula sa harap ng deribatibo’t “baog na ehersisyo o nakamamatay na bisyo ng pagpapakonsumo sa salita.”