De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
To Write is to Choose: Ang Kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines (1931-1972)

Authors: Rowell Decena Madula and
Gerg Anrol Rubio Cahiles
Published and distributed by:
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2012
ISBN 978-971-555-551-7
213 pages
Sa aklat ng To Write is To Choose, tinangka ng mga may akda na isakasaysayan ang naging sagot ng mga mamamahayag pangkampus sa pagbabago ng panahon. Mula sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano nang maitatag ang College Editors Guild o CEG; sa pagpasok ng ikalawang digmaang pandaigdig kung saan ilang mga kabataang manunulat ang sumama upang ipagtanggol ang soberanya mula sa mga Hapones; Sa muling pagbangon ng bansa matapos ang giyera; Hanggang sa pakikilahok ng mga mamamahayag pangkampus sa isang malawak at nagkakaisang pakikibaka ng mga kabataan at taumbayan laban sa kurupsyon at kahirapan na naging mitsa ng pagdedeklara ng batas militar.
Sa maikling pagkakasaysayang ito ay makikita ang pagbabago ng pagkiling ng mga kabataang manunulat mula sa isang pasibo at elitistang oryentasyon patungo sa militante, palaban, at makabayang pananaw.
Si Rowell Madula ay nagtapos bilang iskolar ng mga kursong BS Legal Mng’t sa Pamantasang Ateneo de Manila, MA Philippine Studies at Ph.D Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle. Produkto ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school kung saan siya ay naging manunulat pangkampus.
Naging bahagi ng Matanglawin, ang opisyal na magasing Filipino ng Ateneo at nagsilbing Pangkalahatang Kalihim ng CEGP (2005-2008). Nagturo ng mga kurso sa Filipino, Panitikan, Kasaysayan, at Rizal sa Ateneo, Assumption College sa Makati, at Miriam College. Kasalukuyang Assistant Professor sa DLSU.
Siya ang Tagapamahalang Patnugot ng Malay, Internasyonal Journal sa Araling Filipinas.
Si Gerg Anrol Cahiles ay nagtapos ng BA Art Studies sa UP Diliman at kasalukuyang tinatapos ang MA Araling Filipino-Wika, Kultura, Midya sa Pamantasang De La Salle.
Naging Managing Editor ng The Gazette, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng Cavite State University-Main Campus at Associate Editor ng Kalasag, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng Kolehiyong Arte at Letra ng UP Diliman.
Nagsilbing Deputy Secretary General ng CEGP (2008-2010) at Media Officer ng Kabataan Party-list. Siya ay kasalukuyang news correspondent ng Solar News.
Panimula
Pananatili ng Mahalagang Papel sa Pamamahayag Pangkampus
Panulat sa Kasaysayan
Ang Simula (1931)
Mga Unang Hakbang sa Pagsulong at Kontradiksiyon (1932-1945)
Punto de Vista: The Fightin’ and Feudin’ CEG
Pagbangon mula sa Digmaan: Rekonstruksiyon at Redepinisyon (1946-1965)
Punto de Vista: 23 Years of CEG
Paghagupit ng mga Kontradiksiyon sa Organisasyon (1962-1968)
Punto de Vista: Parting of the Red Sea
Ang Transisyon: Sa Gitna ng Tumitinding Kontradiksiyon (1969-1971)
Ang Pagbalikwas: Pagpapanibagong-hubog at Reoryentasyon (1971-1972)
Pagbubukas para sa Bagong Kasaysayan
Patuloy na Pagsusulat, Pagkamulat, at Pagmumulat (1972-2012)
Bibliograpiya
Photo-ops
Indeks
Tungkol sa Mga Awtor