De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
Pilas Ng Papel

Author: Mesándel Virtusio Arguelles
Published and distributed by
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2014
ISBN: 978-971-555-602-6
192 pages
Literary Criticism
Narito ang poetika ng panulaan at pag-ako ni Ayér Arguelles, natatangi sa formasyon ng intelektwal na komunidad na ang makata’t manunulat ay nasasambit—labas ng kanyang tula—ang kanyang artistiko, historical at politikal na desisyon at pagmumundo ng pagsulat. Tulad ng kanyang tula, matulain ang introspeksyon. Pero hindi tulad ng kanyang tula, masmay talas at talab ang mga elaborasyon kung sino siya, bakit at paano siya nagiging makatang may saysay ng kanyang panahon.
ROLANDO B. TOLENTINO
In this collection of sundries—essays, addresses, dialogues, reviews—Mr. Arguelles discloses a mind restless and seeking, relentless in its self-examination and critique, tracking an elusive but almost tangible sublime in poetic praxis.
VICENTE GARCIA GROYON
Nangyari ito sa tula, sabi ni Mesándel Virtusio Arguelles, o Ayér, sa isang panayam tungkol sa pagsasalin, at tinutukoy niya ang hindi maipaliwanag na pag-iral ng posible at imposible sa tula: ang lunan ng parang, ang gayuma ng ambisyon, ng kapangyarihan ng konsepto’t tala sa pagbubuo ng koleksiyon—samantalang may sapantaha ng paghinto sa pagtula sa hinaharap. Sa koleksiyong ito ng mga sanaysay at panayam tungkol sa pagtula, pinupunit ng makata ang kinasanayang “halos automatikong” paggamit ng linya para sa “ibig sabihin.” Tuluyan itong meditasyon sa kung ano ang malaya sa taludturan, ang pilas ng paksa, ang wala at ang naroon sa pagtula, ang hiwaga at grabedad: isa rin itong pagsipat at pag-awit sa mga binasang makata samantalang may pag-ako sa binitbit at binitiwan—sa sandali ng pagbubuo ng mga aklat, sa bawat panahong tinatastas at tinatahi ang sariling buhay para sa walang maliw na pag-asa sa papel na ginagampanan ng sining sa daigdig.
EDGAR CALABIA SAMAR
TABLE OF CONTENTS
Hinggil sa Salimuot
Hinggil sa Linya
Hinggil sa Malayang Taludturan
Wala Kung Wala’ng Iba: Hinggil sa Intertextuality
Wala Ka Roon: Hinggil sa Historikal na Materyal sa Tula
Pag-ako
Pagtula, Pagkatuto
Bugtong na Tula
Pagtawid sa Parang
Hinggil saAlinsunurang Awit
Diyalogo Hinggil sa Tula—Kasama si Joseph De Luna Saguid
Isang Panayam—Kasama si Joseph Casimiro
Isang Panayam Hinggil sa Pagsasalin—Kasama ang Space
Hinggil sa Pagsasalin
Hinggil sa “Lumbay” ni Rolando S. Tinio
Pambungad sa Kahulugan: Aracatacag at rubrica ni Niles Jordan Breis
Pagbabalik sa Maharayang Lunan: Bestiyaryo ni Mike L. Bigornia
Pag-imbay sa Awit: Sandali ni Rofel G. Brion
Pagmamarka ng Oras: Ilang Sandali Lamang at Mga Tala sa Alaala ng Kagandahan ni Oliver Ortega
Pilas ng Papel: Morpo ni Allan Popa
Lunan ng Akala: Kundi Akala ni Allan Popa
Si MESÁNDEL VIRTUSIO ARGUELLES ay may-akda ng sampung aklat ng tula sa Filipino kabilang ang Guwangna inilathala noong 2013. Nagkamit siya ng mga parangal sa pagtula tulad ng Gawad Collantes, Gawad Komisyon sa Tula, Maningning Miclat Award for Poetry, at Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Naging fellow siya sa ika-36 at -48 UP National Writers Workshop at kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at High Chair. Kasalukuyang editor sa isang publishing house at nagtuturo sa De La Salle University-Manila. Isa rin siya sa mga editor ng hal., isang lathalaing online at print na nakatuon sa paglalathala ng kontemporanyong mga akda sa Filipino.