De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
Laan: Mga Tula

Author: Allan Popa
Published and distributed by:
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2013
ISBN 978-971-555-572-2
90 pages
Muli, hinahawi ni Allan Popa dito sa Laan ang kurtina ng kanyang panulaan na naroong makinis bagaman maligasgas sa malay na hindi gala, naroong makulay bagaman tuwina’y chiaroscuro sa paninging alumpihit sa silaw at bahaghari, at naroong may-sa-tagabulag ang dalumat sa tikom ang palad sa baligtarang hilatsa ng mga salita. Tila kaba-kabanatang bugtong ng pag-iral ang sima ng kanyang mga tula, na sa dulo, dugtong-dugtong na kumukutitap na kandila pala sa mahabang prusisyon ng Dasein: nagmumuntik-muntikanang maglaho. Kaya naman nagtatayo ang makata ng mga sityo ng pamilyaridad sa pasaglit-saglit na mga larawan: umaawit na lagari, pagpipiko ng mata sa bitak-bitak na sahig, huni ng mga anay, pananalamin sa hanay ng mga kutsilyo sa dingding, sabitan na sakal-sakal ng mga pantalong sungkit-sungkit nito, kabayo ng plantsa, pelikulang umiikot sa rolyo, holen na mata rin ng Diyos, “kung paano….” Kaya naman taimtim ang pag-alalay ng bawat taludtod sa mambabasa: nagmamaraming-daliri ang mga pantig sa maiikling saknong; kagyat na mababaybay naman ang dalampasigan ng mga larawan at talinghaga; mabigat at may mata ang paglalagos ng mga salita sa katawan ng pandama upang makalikha ang kamay na dati’y tikom na kabibeng nakabuyangyang na ngayon sa hangin sa paghahain ng pag-unawa.
Si ALLAN POPA ay autor ng walong aklat ng mga tula kabilang na ang Basta (Ateneo de Manila University Press, 2009), Libot ng Durungawan (High Chair, 2009) at Maaari: Mga Bago at Piling Tula (UP Press, 2004). Editor din siya ng antolohiyang Latay sa Isipan: Mga Bagong Tulang Filipino (UST Press, 2007). Nagwagi na siya ng Philippines Free Press Literary Award at Manila Critics Circle National Book Award for Poetry. Nagtapos siya ng MFA in Writing sa Washington University in Saint Louis kung saan siya nagwagi ng Academy of American Poets Graduate Prize at Norma Lowry Memorial Prize. Nagtuturo siya sa Kagawaran ng Filipino ng Ateneo de Manila University. Ilalathala rin ngayong taon ng Ateneo de Manila University Press ang Drone, koleksiyon ng kanyang mga tula sa Ingles. Isa siya sa mga kasaping tagapagtatag ng High Chair.
Pasintabi
Likha
Kapwa
Suliran
Solitarvo
Panambitan
Libot ng Durungawan
Pagitan
Kabanata
Sa Piling ng Mga Bagay
Loob
Aralin
Papawirin
Aking Katawan
Ang Aking Mga Kamay
Pamamahay
Barva-Barva
Unang Paalam
Tuntun Balagon
Marahil
Ang Hull sa Mga Huli
Lunan
Musika Para sa Isang Pelikula
Sa Aking Panaginip
Ikaw
Takipsilim
Awit sa Patay na Bundok
Pinakainibig Kita sa Iyong Pagtalikod
Ukit
Sa Makalawa
Hanggahan
Laan
Sa Panahon ng Mga Bangin
Mga Pangalan ng Kalsada
Isang Pahimakas
Milagroso
Bisperas
Sanaw
May Bahagi Tayong Nabibighani Ngunit Hindi Nabibihag