De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
Kurap Sa Ilalim

By Mesándel Virtusio Arguelles
Published and distributed by
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2016
ISBN 978-971-555-645-3
76 pages
In kurap sa ilalim, Mesándel Virtusio Arguelles shows us the sprawling myth of the otherwise mundane, as well as the stark simplicity unfolding to let slip its inherent chaos. Told in the language of the present, kurap sa ilalim prescribes a landscape of cruel tenderness, of menacing compassion, of loveliness marred by misery, of innocence reeking of corruption. Unflinching, inventive, and astute, Arguelles writes “granada namin / ang sariwang bunga,” and we realize how hope can be wielded as a weapon. This is riveting poetry that celebrates and mourns our fragile, fleeting lives.
Kristine Ong Muslim
Sa kurap sa ilalim, malinaw pa ang hanggahan ng araw at gabi; umiiral pa ang ekonomiya sa holen, tansan, kaha ng sigarilyo, krus, at kara; makahulugan pa ang dilim at liwanag. Nangyayari ang kurap sa ilalim sa isang partikular na panahon ng kabataan, ngunit malinaw na hindi bata, malay na at magulang, ang katauhang humaharaya sa panahong ito—panahon ng tag-araw o tag-ulan, panahong pansamantalang tumitigil, kapag hapon, sa pagtulog. Panahong hindi nababantasan—paalalang ang pagkabata, gaano man kaantig at kaigting na inalala ay sa wika hinaraya.
Raymond John de Borja
Ano ang nababanaagan sa mabilis na pagpikit at pagdilat ng mga mata? Sandali bang nawawala o nagwawala ang mga bagay? Ano ang masisilip sa pagitan ng nakikita at hindi nakikita sa lulubog-lilitaw na daigdig ng pang-araw-araw na katalagahan? Wari’y tugon kay Obispo George Berkeley (na sinabi’y esse est percipi) ang mga tula sa bagong koleksyon ng mga tula ni Mesándel Virtusio Arguelles, kurap sa ilalim. May nananatili kahit sa paglaho ng mga bagay at may mga bakas ang mga pangyayaring nakalipas at hindi na mauulit kailanman… Sapagkat nananahan ang lahat sa wika, naririyan lagi ang salita. Mistulang demiourgos ang makata na humuhubog ng sariwang kalahatan mula sa mga bubog at labí ng alaala at pag-asa, ng nakikita at hindi (na/pa) nakikita. Naririyan ang mga tula.
Eduardo Jose Calasanz
Si Mesándel Virtusio Arguelles ay may-akda ng 15 aklat sa Filipino kabilang ang Ang Iyong Buhay ay Laging Mabibigo: Mga Piling Tula (Ateneo de Naga University Press, 2016), Guwang (High Chair, 2013), ng Papel: Mga Sanaysay sa Tula (De La Salle University Publishing House, 2014), at Pesoa (Balangay Books, 2014), finalist para sa National Book Award 2015. Nagkamit siya ng mga parangal tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at Maningning Miclat Award for Poetry, dalawang ulit naging fellow sa UP National Writers’ Workshop, at fellow sa BNSCWC Kritika National Workshop on Art and Cultural Criticism. Isa siya sa mga editor ng hal. (www.hal-dyornal.com), editor ng mga aklat, at guro sa Departamento ng Literatura sa De La Salle University-Manila, kung saan din siya kumukuha ng PhD Literature. Nalathala ang mga salin sa Ingles (ni Kristine Ong Muslim) ng kanyang mga tula sa Circumference: Poetry in Translation, Construction Magazine, The Cossack Review, The Adirondack Review, The Missing Slate, Spoon River Poetry Review, River River Literary Journal, Waxwing Magazine, at Asymptote.