De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
KASAYSAYAN AT VULNERABILIDAD

by: Ma. Florina Orillos-Juan
Published and distributed by
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2017
ISBN 978-971-555650-7
Pangunahing tuon ng pag-aaral na ito ang peryodikong pananalanta at pamiminsala ng mga insektong balang mula dantaon 16 hanggang ikalawang hati ng dantaon 20, na lubos na nakaapekto sa pamumuhay agrikultural ng sangkapuluang Pilipinas.
Tiningnan ang masalimuot na kalagayan at karanasan ng mga mamamayan sa pagharap, pag-angkop, pagtugon, at pagtanaw sa hamon ng balang. Gamit ang lente ng vulnerabilidad sa pagtatasa ng kolektibong karanasan ng mga Pilipino sa paglipol ng balang, mahihinuha na sila ay umabot sa ganitong estado bunsod ng mga salik-kultural na naka-ugat sa katutubong kabihasnan at kalinangan; ikinundisyon ng lipunang ginagalawan; at lalo pang hinubog/binigyang-direksyon/pinalala ng karanasang kolonyal.
FLORINA Y. ORILLOS-JUAN, Ph.D. Kasalukuyang Associate Professor sa Departamento ng Kasaysayan sa De La Salle University (DLSU) Manila, Philippines. Nagtapos siya ng B.A. History, cum laude, M.A. History, at Ph.D. History sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman, Quezon City.