De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
Ang Siyudad ng Mall: Ang Bakod, Bukod at Buklod bilang Espasyo at Biswal mula Tabuan hanggang SM City North Edsa

Author: Elizabeth Morales-Nuncio
Published and distributed by:
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2012
ISBN 978-971-555-555-5
206 pages
Inuugnay ng pag-aaral na ito ang kasaysayan at paglitaw ng tabuan, parian, Binondo at Escolta sa kasalukuyang penomenon ng malling. Kung ang tabuan ang prototype ng pamilihan, ang Escolta naman —ang kahabaan ng kalsada nito—ang prototype ng mall sa ating bansa. Binagtas ito gamit ang dalumat ng bukod-bakod-buklod upang sipatin ang siyudad ng mall bilang lunsaran ng makabagong espasyo ng pagkonsumo at bilang biswal ng paglikha ng kaakuhan ng mga konsumer. Ipinaliwanag ang sangkap ng pagiging tao’t konsumer sa loob ng mall batay sa uri, gender at lahi. Ang mall ang pinakabagong bitag o kulungan ng kababaihan ngayon. Kung saan nagtatapos ang hangganan ng mall, nakasalalay ito sa malay nating pag-iral sa loob ng siyudad at sa siyudad ng mall.
Si Elizabeth Morales-Nuncio ay tapos ng PhD Philippine Studies mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Malayan Colleges Laguna ng Filipino, Kasaysayan at Sosyolohiya. Katuwang na awtor siya ng Sangandiwa: Araling Filipino bilang Talastasang Pangkalinangan at Lapit-Pananaliksik (USTPH, 2004) at katuwang na nagsalin ng Cory sa Aking Pagkakilala (Anvil, 2010) at awtor ng Mga Talinghaga sa Laylayan: Ang Mapagpalayang Pedagohiya ng Malikhaing Pagsulat at Antolohiya ng mga tula ng bukalsining (USTPH, 2005).
PASASALAMAT
- Ang Siyudad ng Mall sa Siyudad ng Pagbabakod,Pagbubukod, at Pagbubuklod
Ang Bakod, Bukod, at Buklod bilang Dalumat
Ang Kulturang Popular at Mall - Ang Pagbubukod-Espasyo ng Pag-iral ng Palitan/Kalakalan/Pamilihan mula Tabuan hanggang Mall
Sa Kalakalan Nagmula at Nagsimula
Tabuan: Prototype ng Pamilihan
Ang Pagbabakod sa Espasyo ng Palitan hanggang Pamilihan
Parian bilang Segregasyon/Pagbubuklod sa mga Tsino
Binondo: Sentro ng Komersiyalisasyon at Batis ng Kaunlaran sa Maynila
Escolta: Ang Prototype ng Mall
Ang Mall Bilang Espasyo ng Pamilihan sa Makabagong Panahon - Ang Espasyo-Biswal na Pagbabakod ng Mall: Produksiyon at Pagkonsumo sa SM City North Edsa
Ang Siyudad bilang Espasyo ng Produksiyon at Pagkonsumo
Konsumeristang Lipunan
Hulagway ng Kaayusan at Kaunlaran: Simulakrum ng Siyudad sa Mall
Ang Pagbabakod ng Mall: Ekstensiyon ng Maraming Interseksiyon
Ang Biswal na Konstruksiyon ng SM City North Edsa - Pagbubuklod ng Lahi, Gender, at Uri sa Mall
Ang Sangkap ng Pagiging Tao’t Konsumer sa Mall
Uring Panlipunan sa Mall
Imitasyon, Kompetisyon, at Distinksiyon ng mga Uri
Ang Lahi at Nasyonalisasyon ng Mall
Ang Usapin ng Gender sa Mall
Ang Mall bilang Makabagong Bitag sa Kababaihan - Saan Nagtatapos ang Hangganan ng Mall?
Mga Ambag ng Pag-aaral
Huli’t Muling Analisis: Buod at Paglalapat ng Argumento ng Pag-aaral
SANGGUNIAN
INDEKS