De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
Minimalistang Pagsasadula ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar

Author: Lakangiting Caparanga Garcia
Published and distributed by:
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2012
ISBN 978-971-555-557-9
126 pages
Isang obrang hindi dapat malimot ng bawat Pilipino ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar dahil akda to ng tagapamansag ng kadakilaan ng ating panitikan. Ang layong panatilihin ang akdang ito sa isipan at pusong kasalukuyang henerasyon ang nag-udyok sa manunulat na likhain ang aklat na ito. Isinulat na nakatuon sa lahat ng uri ng mambabasa ng mga akdang sariling atin, pinasimpleng iskrip ng pagtatanghal na pang-entablado ang pangunahing nilalaman ng aklat na ito. Isang pagtatanghal na maaaring gawing entablado maging ang pinakasimpleng espasyo gamit ang mga pinakasimpleng props at kasuotan. Dahil dito, maitatanghal na sa mga baryo, bukid, maliliit na paaralan at iba pang lugar ang obra ni Balagtas na puhunan ang imahinasyon, pagkamaiikhain at kagustuhang masaksihan ang Florante at Laura.