De La Salle University Publishing House (DLSUPH)
25 Taon Tungo sa Intelektwalisasyon ng Filipino:
25 Piling Sanaysay sa Ekonomiks

Author: Tereso S. Tullao, Jr.
Published and distributed by:
De La Salle University (DLSU) Publishing House, 2012
ISBN 978-971-555-543-2
446 pages
“Sa nakalipas na dalawampu’t limangtaon, walang humpay na isinulong ni Dr. Tereso S. Tullao, Jr. ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa pamamagitan ng wagas na paggamit nito sa larangan ng ekonomiks, isang disiplinang patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon. Isa siya sa mga tanyag na ekonomista sa Pilipinas nanagtuturo at nananaliksik sa nasabing larangan gamit ang sariling wika. . . .Makatwiran lamang na ang mga akda ni Tullao ay nasa wikang Filipino dahil ang nilalaman nito ay may malaking kinalaman sa estadong pamumuhay ng mga Filipino. Higit pa rito, ang larangan ng ekonomiks ay malapit sa puso ng mga tao dahil sa katotohanang araw-araw nating nakakasalamuha ang mga konseptong ekonomiks sa ating buhay, mula sa pagpili ng kakainin sa agahan hanggang sa pakikisalamuha sa kapwa.”
Si TERESO S. TULLAO JR. ay University Fellow, Profesor sa Ekonomiks, Direktor ng Angelo King Institute, at dating Dekano ng Kolehiyo ng Bisnes at Ekonomiks sa Pamantasang De La Salle(DLSU). Siya ay nagkamit ng maraming parangal mula sa DLSU at iba’t ibang organisasyon sa larangan ng pagtuturo, pananaliksik, at pagsusulat. Ginawaran ng DLSU bilang Natatanging Guro (2002, 1995, 1994, 1993) at Don Santiago Syjuco Gawad Professor sa Ekonomiks. Dahil sa kanyang kontribusyon sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino tumanggap siya ng Gawad Pagkilala (1991) mula sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas at Gantimpalang Quezon sa Panitikan (1995) mula sa Pamahalaang Bayan ng Lungsod ng Quezon. Ginawaran ng Metrobank Foundation bilang isa sa Mga Natatanging Guro ng Taon (1993) at Award for Continuing Excellence and Service (2009). Nagkamit din siya ng National Book Award mula sa Manila Critics Circle (1990 at 1994). Malawak ang kanyang pagtuturo sa loob at labas ng Pilipinas. Mahigit sa 30 taon na siyang nagtuturo sa DLSU. Naging visiting scholar din sa mga pamantasan sa Japan, Estados Unidos, Tsina, Thailand, France, at Laos. Naging consultant siya sa mga proyekto ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at organisasyong internasyonal.
Prologo
Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino sa Pananaw ng Ordinaryo at Migranteng Pinoy: Isang Pagbabaliktanaw
Michael Angelo A. Cortez, DBA
Mga Alternatibo sa Labas ng mga Pandaigdigang Tugon sa Pagpigil sa Pagbabago ng Klima
Ang Panloob na Balik sa Pag-aaral at Pandarayuhan ng mga Filipinong Nars
Pandaigdigang Krisis Pananalapi at ang Di Timbang na Bayaring Internasyonal sa Pagitan ng mga Bansa
Ugnayang Ekonomiko sa Pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos: Isang Pangkasaysayang Pagtingin
Epekto ng Pansamantalang Pandarayuhan sa Demand sa Edukasyon: Implikasyon sa Pagpapaunlad ng Yamang-tao sa Pilipinas
Pagsasalin sa Ekonomiks
Mga Hamon ng Panahon: Ilang Ulatsa mga Kasalukuyang Isyu sa Ekonomiks at Pulitika
Paglilipat ng mga Likas na Tao (MNP) sa ASEAN: Mga Daan at Balakid sa Pagpapalawak ng Kalakalan sa mga Serbisyo
Epekto ng Padalang Salapi ng mga OFW sa Tunay na Palitan ng Salapi
Padalang Salapi ng mga OFW: Nagdadala ng Kabuhayan, Katatagan at Kaunlaran sa Ekonomiya
Pagsusulat ng Aklat sa Ekonomiks: Isang Karanasan
Tugon ng Negosyo sa mga Hamon ng Panahon
Ang Istruktura at mga Pagbabago sa Yamang-tao ng Hukbong Paggawa ng mga Industriya sa Pilipinas: Implikasyon sa Produktibidad at Pagkakompetitibo
Tungo sa Mapagmalasakit na Negosyanteng Pinoy
Ekonomiya ng Filipinas Noong 1898 at 1998 Isang Paghahambing
Rebolusyong 1896 Sa Pananaw Ekonomiko
Pamumuhunang Amerikano at Hapones sa Pilipinas: Susi o Balakid sa Kaunlaran
Integrasyon ng Silangang Asya: Mga Implikasyon sa Pilipinas
Positibismo at Normatibismo: Kung Papaano Mangatwiran ang mga Ekonomista
Integrasyon ng Ekonomiya: Susi sa Kaunlaran
Kultura at Kaunlaran: Tungo sa Ekonomiks ng Lakas ng Loob at Magandang Loob (Kapag Nabigo na ang Bilihan at Pamahalaan)
Industriyalisasyon ng Pilipinas: Sana Ngayon Na
Pulitika at Ekonomiks ng Pagbabagong Istruktural ng Hapon: Implikasyon sa Industriyalisasyon ng Pilipinas
Edukasyon at Pagpapaunlad ng Yamang-tao
Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-halo, Tingi-tingi at Sari-sari
Epilogo
Ang Hinaharap ng Paglalakbay Tungo sa Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
John Paolo R. Rivera
Mga Nailathala at Di Nailathalang Obra sa Filipino
Index