Dr. Fernando Elesterio
AY 1995-1996
by Dr. Jose M. de Mesa
University Fellow Dr. Fernando G. Elesterio, better known as “Danding” to those who knew him, was a retired faculty member of the Theology and Religious Education Department. Apart from his talent for teaching, we was also gifted with the skills of an administrator. He was a former Dean of the College of Liberal Arts as well as a former President of the Faculty Association.
As a person, he is remembered by many as a jolly and friendly person, easy to get along with and fun to be with. In the words of someone who worked in the university and who knew him personally: Matagal na na panahon nang huli kong nakita at naka-usap si Danding Elesterio. Kaya nga noong napag-alaman ko ang kanyang pagpanaw, namumbalik ang mga alaala nung una ko siyang nakilala. Nagkaroon ng seminar ang Red Cross tungkol sa pagiging handa sa sakuna (lindol, bagyo, sunog, aksidente). Dinaluhan ito ng mga guro ng grade School, ilang non-teaching personnel. Kasali ako dito, at sa pagkakatanda ko, tanging si Danding lang ang galing sa College Department. Noong panahon na iyon iilan pa lang sa mga college professors ang may doctorate degree. Isa ako sa mga manghang-mangha sa kanyang estado. Natural ang iba sa amin ay nangilag makasalamuha siya at baka masyadong matalinghaga ang magiging paksa ng kanyang pakikipag-usap. Eh, kasi si Dr. Elesterio siya, tinitingala at ginagalang sa De La Salle University (bagong tatag pa lang noon ang La Salle bilang Universidad). Ngunit si Danding ay masayahing tao. Sa buong panahon ng aming seminar, hinding-hindi niya ipinadama na higit na matalino siya sa lahat sa amin. Nakikipagtawanan din siya sa tuwing nagkakamali siya at ang kanyang grupo. Parang isa lang din siyang empleyado, simple at walang yabang sa kanyang pagkatao. Pag may gusto siyang ipagawa, laging pakiusap at hindi pa-utos.