
GOJO CRUZ, GENARO R.
[email protected]
Si GENARO R. GOJO CRUZ ay nagtapos ng kursong BSE Major in Social Science sa Philippine Normal University at ng Masters major in Philippine Studies sa De La Salle University-Manila. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kursong Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino sa DLSU-Manila bilang isang iskolar. Nagwagi ng mga Unang Gantimpala sa mga patimpalak-pampanitikan tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2002 at 2009), Pambansang Gawad Ka Amado (2002 at 2003), Makata ng Taon (2004 at 2007), PBBY-Salanga Writers Prize (2016 at 2017) at Romeo Forbes Story Writing Contest (2016). May-akda siya ng mahigit sa 70 aklat-pambata. Ang kaniyang aklat-pambata na “May Gulong na Bahay” na nagwagi ng Karangalang Banggit sa 2004 PBBY-Salanga Writers’ Prize ay nakabilang sa 2018 Best Reads sa 5th National Children’s Book Awards (NCBA) na ipinagkaloob ng Philippine Board on Books for Young People at ng National Book Development Board (NBDB). Nagbibigay siya ng woksyap sa pagsulat sa mga guro at bata sa mga pampublikong paaralan. Awtor siya ng mahigit 70 aklat-pambata.