Ph.D sa Araling Filipino (Wika, Kultura, Midya)

Ph.D na may tuon sa pananaliksik

Ang programa

Ang DAFL ay isang programang multi/interdisiplinari na sadyang binuo para sa mga iskolar ng Araling Filipino at guro ng Filipino upang lalong sanayin, palawakin at palalimin ang kaalaman at kasanayan sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay-tuon sa mga wika sa bansa, araling pangkultura, at diskursong pangmidya at Internet.

Ang Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino-Wika, Kultura, Midya ay naglalayong sanayin at idebelop ang mga akademiko’t guro na:

a. Nakikibahagi bilang Lasalyanong gradwado sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino at mga wika sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan at sangay ng kaalaman at propesyonal na praktis;

b. Nakikiisang maging research-oriented at maging mahusay na propesyonal sa pagtahak ng aplikasyon ng kanilang pananaliksik at iskolarsyip upang tugunan ang mga isyu at suliraning panlipunan;

c. Naglilimbag sa mga dekalidad at kilalang publikasyon at naibabahagi ito sa mas malawak na komunidad ng mga iskolar sa mga seminar at kumperensiya sa loob at labas ng bansa;

d. Nangungunga bilang publikong intelektuwal sa pagkakaroon ng akademikong ugnayan at pagsusulong ng kolaborating programang pampananaliksik kasama ang mga publiko’t pribadong institusyon.

Admisyon

Ang mga papasok na estudyante’y kailangang magpasa ng:

1. Mahabang absktrak ng posibleng paksang pandisertasyon (500-1,000 salita);

2. Posibleng superbisor/mentor na may espesyalisasyon sa nasabing paksa;

3. Eryang panriserts;

4. Listahan ng publikasyon (sa Scopus o kaya’y sa refereed-abstracted journal, kabanata sa aklat, aklat, malikhaing akda, at iba pa); at

5. Iba pang dokumentong hihingin ng Tanggapan ng Admisyon at Iskolarsyip (OAS) at ng Departamento ng Filipino.

May katanungan?

Handa na ba tayo?