SALOY 2008:Kumperensya ng mga Estudyante ng Wikang Filipino
Agosto 14, 2008, 1:00 – 4:00 n.h.
Ariston Estrada, Pamantasang De La Salle – Maynila
Inaanyayahan ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle ang mga estudyante sa kolehiyo para sa SALOY 2008: Kumperensya ng mga Estudyante ng Wikang Filipino. Ito ay gaganapin sa ika-14 ng Agosto 2008, 1:00 – 4:00 ng hapon sa Ariston Estrada, Pamantasang De La Salle – Maynila.
Layunin ng kumperensyang ito na bigyan ng lugar ang mga estudyante upang maibahagi at talakayin ang kanilang mga pananaw at ideya tungkol sa wikang Filipino. Ang paksa ay kailangang tumalakay sa wikang Filipino at sa iba pang kaugnay nito, tulad ng kulturang popular, mass media, sikolohiya, kasaysayan, ekonomiks at iba pa.
Para sa mga nais magbasa ng kanilang papel o naisagawang pananaliksik, kailangang magpadala ng abstrak na di lalagpas sa 150 salita at single space. Kasama na rito ang pangalan ng awtor, kolehiyo/pamantasang kinabibilangan, tirahan, telepono at email address. Ang pinal na papel ay di dapat lalagpas sa walong pahina (double space), sa font size na 12, Times New Roman o Arial.
Ang huling araw ng pagsusumite ng abstrak ay sa Hulyo 19, 2008. Ipadala ito sa Genaro R. Gojo Cruz, Kolehiyo ng Malalayang Sining, Departamento ng Filipino, Room 401 – 403 William Hall, De La Salle University-Manila, 2401 Taft Avenue, Manila o sa email na [email protected]. Ipaaalam ang mga natanggap na papel sa Agosto 1, 2008. Ang kumpirmasyon ng paglahok at pagpapadala ng pinal na papel ay sa Agosto 7, 2008.
Walang bayad ang pagdalo sa kumperensya, magbabasa man ng papel o makikinig. Magkakaloob ang departamento ng natatanging handog o token ng pagkilala sa mga natanggap at nagbasa ng kanilang papel.
Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Departamento ng Filipino sa telepono bilang 5244611 lokal 552 / 509