Digital na Ebanghelisasyon: Isang Panimulang Pag-aaral sa Kasalukuyang Sitwasyon ng Social Communication Ministry ng Arkidiyosesis ng Maynila at Diyosesis ng Cubao / Digital Evangelization: An Initial Study of the Current Situation of the Social Communication Ministry of the Archdiocese of Manila and Diocese of Cubao
Gian Carlo Alcantara
Abstrak
Sinuri ng pag-aaral na ito ang digital na ebanghelisasyon ng Social Communication Ministry (SOCCOM) ng Simbahang Katolika sa Arkidiyosesis ng Maynila at Diyosesis ng Cubao. Layunin nitong alamin kung paano natutugunan ng simbahan ang mga hamon sa makabagong paraan ng ebanghelisasyon gamit ang new media. Ito ay isang kuwalitatibong pananaliksik na gagamit ng metodong case study. Sa pamamagitan ng search engine sa Internet, kinalap ang mga datos upang tukuyin ang kasalukuyang sitwasyon sa paggamit ng new media ng mga parokya sa Arkidiyosesis ng Maynila at Diyosesis ng Cubao. Gamit ang search engine ng Internet at algorithm, naitala kung anong mga new media platform ang kanilang ginagamit sa digital na ebanghelisasyon. Nagsagawa rin ng panayam sa tatlong tagapamahala ng SOCCOM ng Arkidiyosesis ng Maynila at dalawang tagapamahala ng Diyosesis ng Cubao. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong (1) malaman ang kasalukuyang kalagayan ng SOCCOM sa paggamit ng new media; (2 ) matukoy ang proseso ng pagpapatakbo ng SOCCOM; (3) maipaliwanag ang mga hamon ng digital na ebanghelisasyon sa Arkidiyosesis ng Maynila at Diyosesis ng Cubao.