Faustino Aguilar: Historyador ng Himagsikan at Pagbabagong-buhay ng Uring Anak-Pawis at Makabagong Kababaihan / Faustino Aguilar: Historian of the Revolution and the Renaissance of the Proletariat and Emancipated Women

E. San Juan, Jr.

 

Abstrak

Isa sa mga mapangahas na nobela ng bantog na manunulat, Faustino Aguilar, ay Kaligtasan na isinulat noong dekada 50. Isinadula sa magkahalong mimetiko/simbolikong paraan ang magulong panahon ng Huk rebelyon at ang anti-komunistang kampanya ng CIA at Ramon Magsaysay. Pinagsanib ni Aguilar ang masalimuot na sangkap ng genre ng nobela upang mailarawan ang tunggalian ng uring magbubukid (sa karakter ni Amando Magat) at mapanikil na panginoong maylupa (kinatawan ni Don Rehino). Sinipat sa isang mapanuya’t mapanudyong pagsusulit ang ipotesis ng repormistang kalutasan sa problema ng di pantay na dibisyon ng gawain at ng produkto nito. Sinuri ang patriyarkong sistema ng dominasyon at pagtakwil dito. Inilapat ang mga teknik pang-alegoriko sa pagbubunyag ng mga kontradiksiyon sa kaisipan at praktika ng mga tipikal na tauhan at pangyayari. Dahil dito, maituturing ito bilang ulirang akda na isang halimbawa ng pinakamahusay na paglalangkap ng tradisyon ng realistikong panitik at mga makataong simulain at prinsipyong nakasalig sa radikal na pagbabago ng lipunan.

Mga Susing Salita: Huk, Kasaysayan, Kontradiksiyon, Lipunan, Naratibo, Panginoong Maylupa, Patriyarko

 

One of the most daring, yet still unpublished, novels of the renowned Tagalog novelist Faustino Aguilar is Kaligtasan written during the 1950 decade. It is the only novel so far dramatizing in alternating mimetic/symbolic modes the crisis- ridden years of the Huk uprising and the CIA-led anticommunist campaign of Ramon Magsaysay. Synthesizing the complex strands of the novel genre, Aguilar represents the fierce class antagonisms between impoverished peasants in Luzon and the predatory feudal lords represented by Amando Magat and Don Rehino, respectively. It subjects to satirical and parodic testing the hypothesis of reformist solutions to the unequal division of labor and wealth. It criticizes the patriarchal system of domination and its subversion. By deploying allegorical techniques in exposing contradictions in the ideas and practices of typical individuals, the novel exemplifies the highest achievement of the realistic tradition of Filipino writing infused with socially committed ideals and radical principles.

Keywords: Contradiction, History, Huk, Landlord, Narrative, Patriarchy, Society