Oligarkiya ng Komprador-Patriyarkong Piyudalismo at Simbolikong Transpormasyon ng Diwa sa Ilalim ng Imperyalismong Amerikano: Mapagpalayang Sipat sa Nobelang PINAGLAHUAN ni Faustino Aguilar / Oligarchy of Comprador-Patriarchal Feudalism and the Symbolic Transformation of the Spirit Under the Rule of U.S. Imperialism: An Emancipatory Critique of the Novel PINAGLAHUAN by Faustino

E. San Juan, Jr.

 

Abstrak

Sa nobelang Pinaglahuan, matagumpay na inilarawan ni Faustino Aguilar ang masalimuot na sitwasyon ng Pilipinas noong transisyon mula sa pagkagapi ng Republika at pagsuko ni Macario Sakay. Lumitaw ang lakas ng uring komprador na nakipagsabwatan sa patriyarkong awtoridad upang masikil ang hámon ng uring manggagawang unti-unting nagbubuklod. Ang sapin-saping tema ng kolonyalismo versus makabayang damdamin, indibidwalismo laban sa kolektibong damayan, kalikasan laban sa komersiyo, at barbarikong paghahari ng mistipikasyon ng komoditi at salapi ang susuriin, kaakibat sa paghimay sa estruktura at tekstura ng naratibo. Isang makahulugan at makatuturang likhang-sining ang diyalektikong banghay na masisipat sa pambihirang nobelang klasiko ni Aguilar.

Mga Susing Salita: komprador, diyalektika, komoditi, uri, kapitalismo, imperyalismo, burukrata-kapitalista

 

In his novel Pinaglahuan, Faustino Aguilar depicted the complex situation of Philippine society in the transitional epoch after the defeat of the Malolos Repubilc and the surrender of Macario Sakay. At that juncture, the power of the comprador class emerged in its collusion with patriarchal authority in order to suppress the formidable challenge of the proletariat slowly organizing itself. The multi-layered themes of colonialism versus nationalist sentiments, individualism opposed to collective conviviality, nature versus commerce, and the barbaric reign of commodity-fetishism and money will be examined, together with the analysis of the structure and texture of the narrative fabric. What will emerge is a significant and meaningful art-work with a dialectical motivation that can be appreciated in reading this exceptional classic novel.

Keywords: comprador, dialectics, commodity, class, capitalism, imperialism, bureaucrat-capitalism