Poetika ng Pagbubura Bílang Pagbubuo / Poetics of Erasure as Creation
Mesándel Virtusio Arguelles
Abstrak
Ang “Poetika ng Pagbubura bílang Pagbubuo” ay pahayag ng poetika ng may-akda kaugnay ng kaniyang mga akda ng pagbubura, sa partikular ang Pesoa (Balangay Productions, 2014). Inilulugar sa sanaysay ang konseptuwal na pagsulat na kinabibilángan ng pagbubura (apropiyasyon) at ang konsepto ng bago sa pagitan ng modernismo at postmodernismo sa kontemporaneong panulaan bago tinatalakay ang mga proseso at prinsipyong kalakip ng sariling mga praktika ng malikhain at di-malikhaing pagsulat ng may-akda.
Mga Susing Salita: pagbubura, modernismo, postmodernismo, konseptuwal na pagsulat, apropiyasyon, di-malikhaing pagsulat, konsepto ng bago, kontemporaneong panulaan
“Poetics of Erasure as Creation” expresses the poetics of the author concerning his erasure works, in particular Pesoa (Balangay Productions, 2014). The essay situates conceptual writing to which erasure method (appropriation) belongs and the concept of the new in between modernism and postmodernism in contemporary poetry and subsequently explores the processes and principles involved in the author’s own creative and uncreative writing practices.
Keywords: erasure, modernism, postmodernism, conceptual writing, uncreative writing, concept of the new, contemporary poetry