Subersibong Potensiyal ng Makina ng Pagsasalin: Google Translate at Tula ni Carlos Bulosan / The Subversive Potential of Machine Translators: Google Translate and a Carlos Bulosan Poem

Michael Francis C. Andrada

 

Abstrak

Inobasyong teknolohikal ng ika-21 siglo ang mga “machine translator” o “automatic translator.” Bagamat limitado ang kakayahan sa pagsasalin, malaki ang ambag o tulong ng mga makina ng pagsasaling ito. Ang online statistical machine translator (SMT) na Google Translate ang isa sa pinakapopular na makina ng pagsasalin sa kasalukuyan. Maaari itong kasangkapanin ng kahit sino, ng kahit anong ideolohiya, at para sa iba’t ibang layuning pampolitika, pangkultura, at pang- ekonomiya. Ipinakita sa papel na ito na may potensiyal ng subersiyon sa paggamit sa Google Translate bilang pangtulong na makina ng pagsasalin, taliwas sa orihinal na monopolyo kapitalistang ethos ng crowdsourcing bilang pribatisasyon ng wika at impormasyon, at bilang ekspansiyon ng merkado. Ipinamalas sa papel ang isang makabayan at anti-imperyalistang proyekto sa pamamagitan ng pagsasalin ng isang tulang Ingles ni Carlos Bulosan tungo sa wikang Filipino.