Si Bayani S. Abadilla at ang pagkatatag ng Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas / Bayani S. Abadilla and the founding of Filipinology in the Polytechnic University of the Philippines

Maria Victoria Rio-Apigo

 

Abstrak

Taglay ang layuning makapag-ambag sa karunungang Pilipino at mga disiplinang nag-aaral sa mga Pilipino, tinalakay at sinuri sa papel na ito si Bayani S. Abadilla at ang kaniyang mahalagang papel sa pagkatatag ng Filipinolohiya sa PUP. Bilang kilalang makabayan at tagapagsulong ng epistemolohiyang Pilipino ay sinilip ang katangian ng kaniyang buhay- intelektwal—manunulat, guro, at kasapi ng kilusan upang maanalisa ang katangian ng Filipinolohiya na naitatag sa PUP. Gamit ang pamamaraang pagsusuri ng nilalaman ng teksto o kontent analisis ay sasagutin ng pag-aaral na ito ang mga katanungang: Sino si Bayani S. Abadilla bilang iskolar at tagapagsulong ng Filipinolohiya?; Ano ang katangian at paano niya ipinunla ang ganitong Filipinolohiya sa PUP?; at Ano ang kasalukuyang kalagayan ng Filipinolohiya sa PUP? Kaugnay nito ay hinati sa tatlong seksiyon ang pananaliksik na ito: intelektuwal na talambuhay ni Ka Bay, kasaysayan ng pagkatatag at katangian ng Filipinolohiyang itinatag niya, at ang paglalahad ng kasalukuyang kalagayan nito sa PUP. Mahalaga ang pag-aaral na ito hindi lang bilang dugtong sa mga pag-aaral ukol sa mga Pilipino kundi bilang paraan na rin ng pagdalumat sa binuong konsepto ng mga Pilipinong iskolar na mahalagang sangkap para sa pagsasateorya at pagsasapraktika ng mga solusyon sa mga suliraning pambansa.

Mga Susing Salita: Abadilla, Filipino, Filipinolohiya, Epistemolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, PUP

 

This paper provides a discussion and analysis of Bayani S. Abadilla’s role in the founding of Filipinology in PUP. Known as a nationalist and promoter of Filipino Epistemology, Abadilla’s intellectual life as a writer, teacher, and member of caused- oriented group is compared to the characteristics of Filipinolohiya/Filipinology of PUP. Using content analysis method, this paper answersthe following questions: Who is Bayani S. Abadilla as a scholar and founder ofFilipinol-ohiya/Filipinology? What are the characteristics of and how has this kind of Filipinolohiya in PUP been established? What is the current status of Filipinolohiya in PUP? In line with this, the paper is divided into three sections: the intellectual life of Bayani S.Abadilla, characteristics and history of his Filipinology, and its current status in PUP. This study is valuable not only because of its contributions about Filipinos but also as a way of understanding the concepts created by Filipino scholars whose studies are important in the theorizing and application of solutions to national problems.

Keywords: Abadilla, Filipino, Filipinolohiya, Filipino Epistemology, Pilipinolohiya, PUP.