Paglalatag ng Karanasan ng mga Guro sa Implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) sa Iloilo City Teachers’ Experience in the Implementation of the Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB- MLE) in Iloilo City
Jonevee Amparo
Abstrak
Nakapaloob sa Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE) ang isang patakarang pangwika na may kinalaman sa paggamit ng wikang panturo sa antas primarya ng edukasyon sa Pilipinas. Sinimulan ang hakbang sa paghahanda sa bansa nang inilabas ang Department Order 74, s. of 2009. Naipatupad noong 2012 ang MTB-MLE sa bansa bilang bahagi ng K to 12 na kurikulum. Ang pag-aaral ay naglalayon na masuri at maebalweyt ang mga ginawang paghahanda at pagpapatupad ng MTB-MLE upang makita ang mga hamon at makatulong sa paghahanap ng mga mungkahi para sa mas mabisang paraan sa pagpapatupad nito. Sinuri nito ang gap sa paghahanda at pagpapatupad mula taong 2012 hanggang taong 2015 ayon sa pagsusuri ng dokumento at sa naratibo ng karanasan ng mga guro. Ang pag-aaral ay nakasandig sa pananaliksik ni Joan Rubin (1971) sa pagpaplanong pangwika. Ayon kay Rubin, ang proseso ng ebalwasyon sa pagpaplanong pangwika ay ang (1) malawakang paghahanap ng datos; (2) pagpaplano ng layunin, estratehiya, at outcomes; (3) implementasyon; at (4) feedback. Ang mga datos sa pag-aaral na ito ay nakalap sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga primarya at sekundaryang dokumento, pakikipanayam, survey, at focus group discussion (FGD). Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng Thematic Analysis at Strength, Weakness, Opportunity, and Threat (SWOT) Analysis. Ilan sa mga iminumungkahi sa pag-aaral ay ang ang re-training at tuloy-tuloy na pagsasanay ng mga guro para sa MTB-MLE, lalong palawakin ang kamalayan ng komunidad tungkol dito, at pagtibayin ang pakikisangkot ng lokal na pamahalaan sa mga gawain para dito. Kailangang magkatugma ang mga estratehiya ng pagpaplano at pagpapatupad, at ang mga layunin ng programa sa lingguwistiko, ekonomiko, at kultural na kondisyon ng komunidad.
Mga Susing salita: Polisiyang Pangwika, Mother Tongue-Based Multilingual Education, Karanasan ng mga Guro sa MTB- MLE
The Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) encompasses a language policy related to the use of the language of instruction at the primary level of education in the Philippines. MTB-MLE was initialized through Department of Education Order 74, s. of 2009 and was then fully implemented in the country as part of the K to 12 curriculum in 2012. This study aims to evaluate the preparation and implementation of MTB-MLE to find out the challenges, and help identify suggestions for more effective implementation. This study examines the gap between preparation and implementation from 2012 to 2015 and analyzes strengths and weaknesses of the program through analysis of documents and narratives of teachers’ experiences. The study relies on Joan Rubin’s research (1971) on language planning. According to Rubin, the process of evaluation in language planning includes (1) comprehensive search of data; (2) goal planning, strategies, and outcomes; (3) implementation; and (4) feedback. The data in this study were gathered through analysis of primary and secondary documents, interviews, survey and Focus Group Discussion (FGD). Data were analyzed through Thematic Analysis and Strength, Weakness, Opportunity, and Threat (SWOT) Analysis. Some of the suggestions in this study are the re-training and continuous training of teachers for MTB-MLE, and spreading community awareness of its importance, and strengthening local community involvement. Alignment of strategies and goals of the program to the linguistic, economic, and cultural condition of the community should also be addressed.
Keywords: Language Policy, Mother Tongue-Based Multilingual Education, Teachers’ Experience in MTB-MLE