Pagtalunton sa Bulakenyo Cinema: Diskurso at Perspektiba ng mga Piling Direktor mula sa Bulacan/ Locating Bulakenyo Cinema: Discourse and Perspective of Selected Directors from Bulacan

David R. Corpuz

 

Abstrak

Dulot ng demokratisasyong ginawa ng digital technology sa produksiyon ng pelikula ang pagyabong ng independent cinema sa Pilipinas. Kasama rito ang mataas na pagkilala’t pagpapahalaga sa mga pelikulang panrehiyon na sumasalamin sa mga kuwento at danas ng pamumuhay sa probinsiya o sa labas ng Metro Manila. Ang mga pelikulang ito ay ayon sa perspektiba ng mga direktor na nagmula sa probinsiyang kanilang kinakatawan. Subalit sa gitna ng mga diskurso tungkol sa masiglang kultura ng paggawa ng pelikula sa iba’t ibang panig ng bansa, kapansin-pansing hindi masyadong napag-uusapan ang mga likha ng mga Bulakenyong direktor sa pelikulang panrehiyon. Nais maipaliwanag ng pag-aaral ang kawalan ng kolektibong turing na “Bulakenyo Cinema” gamit ang mga naratibong nakalap mula sa mga panayam sa apat na Bulakenyong direktor. Pinagnilayan din nila ang kahalagahan ng pagiging malay sa rehiyonal na identidad sa paggawa ng sariling pelikula. Sa bandang huli ay nakapagbigay ang pag-aaral ng mga mungkahi kung paano mapauunlad ang sineng Bulakenyo at masiglang pakikibahagi sa diskurso ng sineng pambansa.

Mga Susing Salita: Bulacan, Bulakenyo Cinema, pelikulang panrehiyon, pelikulang pambansa, kultura

 

The democratization of digital technology has led to the flourishing of Philippine independent cinema. The recognition of regional cinema, films that reflect stories and experiences from the provinces, is also an important development. These films have allowed filmmakers who are outside of the center to create films based on narratives situated in their places using their perspectives as locals. Beneath the discourses on emerging cinematic cultures in the regions comes the almost absence of the works of Bulakenyo filmmakers in the discussions of regional cinema. This study aims to explain this absence through the narratives gathered from the interviews with four filmmakers who identify as Bulakenyo, who also reflected on the significance of incorporating their regional identities in film practice. This study also offers recommendations on how to develop Bulakenyo cinema, which aims to contribute to the emerging discussions on Philippine national cinema.

Keywords: Bulacan, Bulacan cinema, regional cinema, national cinema, culture