Si Balagtas sa mga Tula ng Sa Gulugod ng Kalabaw: Mga Tula ng Bulacan, 1928-1997 / Balagtas in the Poems of Sa Gulugod ng Kalabaw: Mga Tula ng Bulacan, 1928-1997

Cris R. Lanzaderas

 

Abstrak

Sinipat ng pagsusuri ang naging papel ng Dakilang Makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa ilang tulang isinulat ng mga magsasaka-makata na kabilang sa koleksiyon na “Sa Gulugod ng Kalabaw: Mga Tula ng Bulacan, 1928-1997.” Sa pamamagitan ng tekstuwal na pagsusuri, tiningnan kung may mga katangiang natutulad sa mga pamantayan ng tradisyonal na tulang Tagalog na pinormalisa ni Balagtas sa kaniyang Florante at Laura. Maliban sa mga pamantayang estetikal na inilatag ni Bienvenido Lumbera sa kaniyang Formalization of Tradition, ginamit din ang iba pang pormalistikong lente sa pagsusuri ng tulang tradisyonal sa Taludtod at Talinghaga ni Virgilio Almario (1991). Dagdag pa rito, sinuri rin ang ilang mga tulang may direktang pagbanggit kay Balagtas at sa mga tauhan ng kaniyang awit upang tingnan kung paano nito sinasalamin ang naging ambag ng Dakilang Makata sa pagharaya ng mga magsasaka-makata sa ideal na lipunang Filipino.

Mga Susing Salita: Francisco Balagtas, Florante at Laura, panulaang Bulakenyo, panulaang rural, pormalismo, tradisyonal na tula

 

This paper aims to look on how the Great Tagalog Poet Francisco Balagtas influenced some of the poems included in Sa Gulugod ng Kalabaw: Mga Tula ng Bulacan, 1928-1997. Using textual analysis, the study examined the poems if they follow the traditional Tagalog poetry formalized by Balagtas in his Florante at Laura. Aside from the aesthetical standards laid out by Bienvenido Lumbera in his Formalization of Tradition (1967), the formalistic lens in Virgilio Almario’s Taludtod at Talinghaga (1991) was also used in reading and analyzing the poems. In addition, some poems that directly mentioned Balagtas were also explored to see how they reflect the influence of the Tagalog poet in the farmers’ imagining of an ideal Filipino society.

Keywords: Francisco Balagtas, Florante at Laura, Bulacan poetry, rural poetry, formalism, traditional poetry