Nasaan ang Hiya sa Etika ng Pananaliksik? Lapat ng Pagpapakatao at Lapit ng Pakikipagkapuwa sa Pagsasagawa ng Pananaliksik sa Agham Panlipunan/ Where is Hiya in Research Ethics? Being Humane and Extending the Self in Doing Social Science Research

Roberto E. Javier Jr.

 

Abstrak

Ilang kabahalaan at usaping kaugnay ng etika sa pagsasagawa ng panlipunang pananaliksik ang pinapaksa ng papel na ito. May ilang kalituhan na kailangang talakayin tungkol sa mismong patakaran at alituntunin sa kung aling pagpapasiyahang pag-aaral ang may etika o wala lalo na’t kung ito’y popondohan. Kagyat ng kapasiyahang ito ang paglalabas ng clearance na kinatigang may etika ang isang pag-aaral upang patibayin rin ang halaga nito sa paglalathala ng kinahinatnan ng pananaliksik. Kamakailan, isinainstitusyon ang proseso ng rebyu sa etika ng pananaliksik sa mga unibersidad upang matulungan ang mga nasa lalong mataas na edukasyon na makapanaliksik na ang kiling ay sa kapakanan ng kalahok, sa katotohanan, kawastuhan, at katuwiran. Bukod diyan, may mga pananaliksik-panlipunan at siyentipiko na hindi mawari kung paanong ilalapat ang mga tuntunin sa pagtatasang pang-etika dahil ang pag-aaral ay may pagkukubling-sadya o hindi mapag-aaralan ng mga metodong hindi akma’t angkop para sa kalahok at konteksto nito. Angkat-pataw ang ginagawa para sa rebyu sa etika ng pananaliksik ng kani-kanilang sentro ng pananaliksik kaya kopyang xerox (photocopy) ang marami sa patakarang inangkat sa kung saan at ipinataw sa mga pananaliksik-panlipunang may sariling kultura’t kinamulatang kaparaanan sa pagtuklas at pagbubuo ng kaalaman. Samantalang may ilang ‘bagay’ sa konteksto natin ang mapapansin na karamihan ay wala sa hulog dahil hindi hinugot sa loob ng kultura’t karanasang Pilipino. Kaya ang binuong mga kaisipan sa etika ng pananaliksik ay kailangan repasuhin at muling pagmunihan ang katutubong kaisipan tulad ng ‘hiya’ para sa mas bagay at angkop na batayang pang- etika sa pananaliksik-panlipuan na Pilipino ang diwa.

Mga Susing Salita: Etika ng Pananaliksik, Hiya, Pagpapakatao, Pakikipagkapuwa-tao, Pagkatao

 

In this paper, some concerns and issues related to the ethical considerations in the conduct of social science research are discussed. There are confusions observed in the guidelines and premises as to which approaches and methodologies in research are considered ethical to conduct given its cultural context. The issuance of ethics clearance permits a study team to implement its funded research project and that, the research results could as well be published. The process of ethics review was recently institutionalized in universities to enable academics and students in higher education to do basic and applied researches. Such studies are anchored on reason, the truth and what is right. Yet, there are studies that have to be done but the methodologies to be employed are nuanced and even naïve given the peculiarities in a culture and specific context. It is observed that what some higher education institutions did in the creation of their ethics review board is ‘copy-paste’ kind of putting up their ethical guidelines for researchers. Some ethical guidelines may be simply imported and imposed on social science researchers to comply with, neglecting the nuances in doing ethical research in the Philippines. In this regard, retracing in Filipino thoughts the ethical principles is necessarily an exercise in rethinking about what is right, just and truthful in social science research ethics that is Filipino. Hiya is an indigenous concept that needs to be revisited in this exercise of rethinking about the formulation of Filipino research ethics.

Keywords: Research Ethics, Hiya, Pagpapakatao (Being Humane), Pakikipagkapuwa-tao (Extending the Self), Pagkatao (Personhood)