Diskurso ng Pagsusulatan ng Dalawang Binibining Urbana at Felisa / Urbana and Felisa: Discourse of Letters of Correspondence

Maria Fe G. Hicana

 

Abstrak

Layunin ng pag-aaral na ito na maitampok ang diskurso ng pagsusulatan ng magkapatid na Urbana at Felisa sa deskriptibong pamamaraan. Sa ika-18 siglo naisulat ang akda kaya hindi mapapasubalian ang kalaliman ng pananagalog na ginamit na midyum sa pagsusulatan ng liham ng magkapatid na nasa magkaibang lugar: si Urbana ay nasa Maynila tulad ng ibinabadya ng kaniyang pangalang buhat sa “urban” at si Felisa naman ay nasa probinsiya na ang pangalan naman ay nangangahulugang “kasiyahan.” Inilatag sa pag-aaral na ginamit na midyum ang pagpapalitan ng liham ng magkapatid upang maghatid ng mga aral at kagandahang-asal na sinusunod at ipinasusunod alinsunod sa pamantayan ng lipunan noong panahong iyon.

Mga Susing Salita: diskurso, Urbana, Felisa, kagandahang-asal, pagsusulatan

 

This study aims to highlight the discourse of the Urbana and Felisa sisters in writing in a descriptive way. The book was written in the eighteenth century, ergo, the lexicon used were on the frozen level or mostly archaic: Urbana is in Manila which implies her name “urban” while Felisa was in the province and her name was derived from the word ‘felicity’ which means “happiness.” The study presented the teachings and etiquette that were followed and practiced according to the social norms of the time in the means of exchanging of letters of Urbana and Felisa.

Keywords: discourse, Urbana, Felisa, values, exchanging of letters