Ang Antas ng Institusyonalisasyon ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) Diliman Bilang Tagapamahala ng Wika sa Unibersidad ng Pilipinas / The Level of Institutionalization of Sentro ng Wikang Filipino (SWF) Diliman as a Language Manager of the University of the Philippines
Zarina Joy T. Santos
Abstrak
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na balangkasin at suriin ang mga pagpupunyagi ng Sentro ng Wikang Filipino Diliman bilang isang institusyong pangwika na pamahalaan ang wikang Filipino bilang wika ng akademya sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman batay na rin sa itinakda ng Patakarang Pangwika ng UP. Sa pamamagitan ng mga pag-aaral at teoryang pinalaganap ni Bernard Spolsky ukol sa Language Management, na tatapatan ng terminong pamamahalang pangwika sa pag-aaral na ito, sinuri ang mga naging hakbangin at organisasyon ng mga tungkulin at gawain ng Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad gamit ang SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities, at Threats). Hinimay ang mga proyektong nagawa ng SWF sa ilalim ng mandatong pagyamanin at paunlarin ang paggamit ng wikang Filipino sa Unibersidad na umikot sa nomenklatura, pagpapatatag ng ugnayan sa mga ahensiyang pangwika at organisasyong kultural, pagpapayaman ng terminolohiya, at mga publikasyon. Sakop ng pag aaral ang panahong matapos ang debolusyon ng SWF noong 2001 mula sa pamunuan ni Dr. Galileo Zafra noong 2001 hanggang kay Dr. Rommel Rodriguez na nagtapos noong 2019. Sa pamamagitan ng pagsuri sa mga dokumento tulad ng mga End of Term Report, mga proposal ng proyekto at katitikan ng mga pulong, nataya ang mga naging pagpupunyagi ng SWF Diliman na maging tagapamahala ng wika sa UP.
Mga Susing Salita: Pamamahalang pangwika, Sentro ng Wikang Filipino Diliman, ahensiyang pangwika, institusyonal na pagsusuri
The primary goal of this study is to outline and analyze the successes of the Sentro ng Wikang Filipino Diliman as a language institute, in its management of the Filipino language as a language of the academe at the University of the Philippines Diliman, based on the established language policy (Patakarang Pangwika) of UP itself. Using the studies and theory propagated 48 Malay Tomo 31 Blg. 2 by Bernard Spolsky about language management, the programs and systematization implemented by the Sentro ng Wikang Filipino are analyzed using SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities, Threats). The SWF’s mandate is to cultivate the use of the Filipino language in the university. It is with this mandate in mind that its projects in nomenclature, strengthening the ties between language agencies and cultural organizations, enrichment of terminologies, and publications, are assessed. This study includes the period after the devolution of the SWF from 2001, under the directorship of Dr. Galileo Zafra, up to the directorship of Dr. Rommel Rodriguez, which ended in early 2019. Analyzing documents such as End of Term Reports, project proposals, and minutes of meetings, the successes of the SWF Diliman as the language manager of UP are assessed.
Keywords: Language management, Sentro ng Wikang Filipino Diliman, language agency, institutional analysis