Paghanap at Pagbawi: Ang Tatlong Orihinal ng Arakyo sa Peñaranda, Nueva Ecija / Quest of the Cross: The Three Orihinals of Arakyo in the Town of Peñaranda, Nueva Ecija
Michael C. Delos Santos
Abstrak
Ang arakyo ay isang pagtatanghal na hanggang sa kasalukuyan ay isinasagawa sa lalawigan ng Nueva Ecija. Itinatampok sa pagtatanghal ang pagdiriwang at pagpaparangal sa banal na krus na kinamatayan ni Hesukristo. Kilala ang arakyo bilang isang lokal na kultura sa lalawigang ito. Isa ang bayan ng Peñaranda na nagpapatuloy ng ganitong uri ng lokal na kultura na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Mayo. Hangad ng papel na ito na mailahad ang naratibo ng tatlong orihinal na arakyo upang maipakita ang historikal na konteksto nito. Ang mga orihinal na ginamit sa pananaliksik ay mula sa barangay ng Sto. Tomas, Las Piñas at Sina Sahan. Layunin din ng pag-aaral na maisagawa ang panimulang dokumentasyon ng tatlong orihinal ng arakyo.
Mga Susing Salita: arakyo, Peñaranda, Nueva Ecija, pista ng krus, naratibo, orihinal
Arakyo is known as a local culture and a theatrical presentation which is being practiced until now in the province of Nueva Ecija. The highlight of this performance is to celebrate and give honor to the holy cross where Jesus Christ died. Peñaranda is one of the towns in the province that celebrates the said feast every month of May. In order to present the historical context, this particular study looked into the rich narratives found on the manuscripts of arakyo from the three barangays where it is being performed, namely, Sto. Tomas, Las Piñas and Sina Sahan. Moreover, an initial documentation of the three manuscripts has been conducted by the researcher.
Keywords: arakyo, Peñaranda, Nueva Ecija, feast of the Cross, narrative, orihinal