Tinig Mula sa Ilang: Pag-uugat ng mga Praktis at Paniniwala ng Kilusang Propetikong Adbentista (KPA) sa Kalinangang Pilipino / Voice from the Wilderness: Tracing Prophetic Advent Movement’s (PAM’s) Beliefs and Practices to the Filipino Culture
Palmo R. Iya
Abstrak
Isang milinaryang samahan ang Kilusang Propetikong Adbentista (KPA) na lumabas sa Iglesyang Seventh Day Adventist (SDA) noong mga taong 1990 dahil sa paniniwalang tumalikod na ang madre iglesia na SDA sa mga pamantayan at mensahe na ipinagkaloob sa kaniya bilang “bayan ng Diyos.” Ibinenta ng mga kasapi ng KPA ang kanilang mga ari-arian, nilisan ang kanilang mga trabaho, pinatigil ang kanilang mga anak sa pag-aaral, at nanirahan sa mga kabundukan sa paniniwalang magwawakas na ang mundo at darating na ang inaasahang “Tagapagligtas” noong taong 2000-2002. Sa hindi pagkatupad ng pinaniniwalaang tagna o propesiya, nagkaroon ng re-interpretasyon ang grupo sa pag-aaral ng mga mensahe lalo na ang may kinalaman sa mga tagna. Nakabuo sila ng mga mensahe, paniniwala, at praktis na may pagkakaiba na sa kinagisnang doktrinang SDA at nang lumao’y tumuntong din sa lokal/katutubong paniniwala, praktis at kamalayan. Pangunahing layunin ng saliksik na ipakita ang pag uugat ng mga praktis at paniniwala ng KPA sa kalinangang Pilipino partikular na sa kanilang bagong sistema ng pagsamba at pagpupuri sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng layuning ito, hindi lamang metodolohiyang pangkasaysayan ang ginamit kundi maging etnograpiko, penomenolohikal, at lingguwistikong pamamaraan para mahugot ang pag-uugat ng kilusan sa kalinangang Pilipino. Ipinakita ng pag-aaral na hindi lamang naganap/nagaganap ang pagsasakonteksto at pag-aangkop ng mga paniniwala sa loob ng Simbahang Katolika kundi naganap/nagaganap din ito sa loob mismo ng iba pang relihiyon o denominasyon gaya ng Iglesyang SDA. Nagpapatunay lamang ito na hindi maaaring ihiwalay ang relihiyon o paniniwala sa kasaysayan at kultura ng mga tao.
Mga Susing Salita: Kilusang Propetikong Adbentista (KPA), Iglesyang Seventh Day Adventist (SDA), kalinangang Pilipino, praktis, paniniwala
Prophetic Advent Movement (PAM) is a millenarian group that separated from the Seventh Day Adventist (SDA) Church during the 1990s due to its claim that the mother church had already deviated from the standards of being the “true church of God.” Its members sold their properties, left their jobs, stopped the schooling of their children, and finally lived in the mountains believing that in the years 2000-2002, the world will end and “Christ” will come again. As their prophecy failed, a re-interpretation of their messages and prophetic studies emerged. This gave birth to the creation of PAM’s beliefs and practices which differ from that of the SDA Church and later on blended with the traditional Filipino belief system and culture. This study primarily aims to trace PAM’s beliefs and practices to the Filipino culture particularly on its new system of worship. To meet this objective, not only historical but also ethnograhic, phenomenological, and linguistic approaches were used. This paper discloses that contextualization or indigenization of belief system does/did not only exist inside the Catholic Church but also in other religious denominations like the Seventh Day Adventist Church. It only affirms that religion or any belief system cannot be separated from the history and culture of the people.
Keywords: Prophetic Advent Movement (PAM), Seventh Day Adventist (SDA) Church, Filipino culture, practice, belief