Leksikong Kultural ng Tagalog at Sinugbuanon: Isang Analisis Cultural Lexicon of Tagalog and Sinugbuanon: An Analysis
William S. Augusto Jr.
Abstrak
Nilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang leksikong kultural ng wikang Tagalog at wikang Sinugbuanon. Sinikap na sagutin ang sumusunod: (1) Alin sa mga salitang naitalâ sa wikang Tagalog at Sinugbuanong Binisaya ang may magkaparehong anyo? (2) Ano-ano ang tamang pagbigkas nito ayon sa ponolohikong estruktura ng mga salita? (3) Ano-ano ang kahulugan o rehistro ng mga ito sa bawat wikang pinagmulan nito? (4) Sa ano-anong bahagi ng pananalita ang mga salitang ito napabibílang? Pamaraang deskriptibo o palarawan na nilapatan ng pagsusuring estruktural ang ginamit sa pag-aaral na ito at sa pag-aanalisa sa rehistro ng mga salita, ginamit ang semantic signal na teknik na naaayon sa sosyolingguwistikong pagpapakahulugan nito at ang teorya ng semantic field na paraan ng pagkilála ng kahulugan ng salita sa pagbibigay ng mga salita na nauugnay nito. Natuklasan na (1) maraming mga salita sa Tagalog at Sinugbuanon ang magkakapareho sa palatunugan at palabuuan. Ang pagkakatulad nito ang dahilan sa pagkakapareho ng mga ito sa paraan ng pagbigkas na mauuring malumay, mabilis, at maragsa. (2) Kahit magkakatulad ang mga salita sa baybay at bigkas ng Tagalog at Sinugbuanon, nagkakaiba pa rin ito sa kahulugan/rehistro buhat na rin sa heograpiko at sosyolingguwistikong dimensyon ng isang lugar. (3) Marami sa magkakatulad na salitang Tagalog at Sinugbuanon ang nagkaiba ang kinabibilangan at may mga iba na nanatili ang bahagi ng pananalita ng dalawang wika. Kahit may mga nananatiling magkapareho ng bahagi ng pananalita, hindi pa rin ito dahilan sa pagkakapareho ng kahulugan nito. Ang wika ay talagang nakabatay sa lugar kung saan ito nabubúhay at umiiral. Ang pagkakapareho ng mga salita sa Tagalog at Sinugbuanon ay palatandaan ng ugnayan ng mga wika sa Pilipinas buhat sa iisang angkang pinagmulan nito at ang pagkakaiba ng kahulugan nito ay buhat sa heograpiko at kultural na aspekto ng bawat lugar.
Mga Susing Salita: leksikon, kultural, Sinugbuanon, Tagalog, rehistro
This study aimed to examine the lexicon structure of Tagalog and Sinugbuanon. It sought to answer the following: (1) Which of the listed words from Tagalog and Sinugbuanon has the same form? (2) What is the appropriate enunciation of these words? (3) What is the meaning or register of these words in/from both languages? (4) In which parts of speech do these words belong? Moreover, it utilized descriptive methodology and structural analysis. In examining the register of the words, semantic signal technique which relates to the sociolinguistic meaning of words was used. It was also anchored to the theory of semantic field which is considered as the way of identifying word meaning that is related to it. It was found out that (1) there are several words in Tagalog and Sinugbuanon that have the same phonological and morphological structure. This is the reason why these words have the same enunciation which is identified as the following: malumay, mabilis at maragsa. (2) Even though these words have the same spelling and enunciation, they still have different meaning or register because of the geographical and sociolinguistic dimension. (3) A lot of the listed similar words from Tagalog and Sinugbuanon belonged to the same parts of speech and some of it changed. But, even there are words remained the same in the parts of speech, the meanings are still different. Language is really dependent on the culture of a certain place. The similarity of vocabulary of Tagalog and Sinugbuanon proves us that every language in the Philippines is connected due to its same origin. The cultural and geographical dimension affects the meaning of every word in a certain place.
Keywords: lexicon, culture, Sinugbuanon, Tagalog, register