KabULOhan: Paggamit ng Pag-uulo ng Balita sa Paglalagom KabULOhan: The Use of Headlining in Summarizing
Voltaire M. Villanueva at Marie Kristel B. Corpin
Abstrak
Sa pagbabasá, isa sa mga suliranin ang kahabaan ng binabása ng mga mag-aaral. Ito ay nagdudulot ng kawalan ng interes at pag-ayaw nila sa nasabing gawain. Dahilan din ito kung bakit nababawasan ang pag-unawa o komprehensiyon ng mga mag-aaral sa tekstong binabása. Gayundin, nagiging sagabal ito sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasá. Nakita ng mga mananaliksik na ang kakayahan sa pag-uulo ng balita na malaki ang kaugnayan sa paglalagom ng teksto ay maaaring maging lunsaran sa pagbibigay ng diwa ng babasáhin kahit hindi pa ito nababása sa kabuoan ng mga mag-aaral. Matapos ang pangangalap at pagbibigay-interpretasyon sa mga datos, napatunayan ng pag-aaral na: 1. Ang pag-uulo ng balita at paglalagom ng tekstong binása ay dalawang magkaugnay na kasanayan sapagkat ang mga ito ay may magkakaparehong hakbang gaya ng pag-unawa sa teksto, pag-alam sa pangunahing kaisipan nito, paghihimay ng mga bahagi, pagtukoy sa malalaking bahagi na nagdadala ng kahulugan, at paghahanay ng kaisipan mula sa malaki papaliit; 2. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga napapanahong balita bílang lunsaran, higit na mapapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paglalagom ng tekstong binása at pagbibigay-pamagat nito; at 3. Magagamit ang kawilihan na idudulot ng pag-uugnay sa dalawang kasanayan na paglalagom ng teksto at pag-uulo ng balita upang higit na malinang ang kahusayan ng mga mag-aaral sa dalawang nabanggit na kasanayan.
Mga Susing-salita: Ika-21 Siglong Kasanayan, kasanayan sa pagbása, kasanayan sa mapanuring pag-iisip, paglalagom, ulo ng balita
In reading, one of the major problems encountered by students is the length of the selection. This triggers the students’ lack of interest and continuous dislike in activities involving reading. This is also one potent reason for the lack of thorough understanding of the selection. Furthermore, it becomes a hindrance to the development of effective reading skills among students. The researchers observed that the headlining skill which has a tight correlation with the ability to summarize a selection can be used as a springboard for further development of the students’ skill in determining the main idea of a selection even without reading the whole text. After gathering and giving interpretation to pertinent data, the research was able to prove the following: 1. News headlining and summarizing of a selection are two correlated skills because these two have similar steps like understanding the text, knowing its main idea, shelling its important parts, determining chunks of ideas that bring meaning to the selection, and organizing ideas from bigger to smaller chunks; 2. With the use of current news as a springboard, the students’ skill in summarizing the selection and giving a title to it will be strengthened; and 3. The enthusiasm brought by the correlation of news headlining and summarizing skills will result to a further development of the students’ proficiency in the two said skills.
Keywords: 21st Century Skills, reading proficiency, critical thinking skills, summarizing, headlines