Politikal na Pinoy Meme Bílang Sisteng Kontra-Gahum ng Lipunang Pilipino sa Eleksiyon / Political Pinoy Meme as Counter Power System of Filipino Society in Election

Karen Y. Ramos

 

Abstrak

Umiinog ang papel sa pagsusuri sa mga Pinoy meme na kumakalat sa social media sa eleksiyon 2016. Binigyang- tuon dito kung paano binubuo ang mga meme at mga isyung pampolitika sa likod ng mga ito. Gayundin, inalam kung papaano ginamit bílang kontra-gahum ang mga meme sa eleksiyon. Lumabas sa pagsusuri na ginamit bílang sisteng kontra-gahum ang mga meme sa eleksiyon sa paghahari ng mga kandidato. Nabuo ang mga meme sa isang carnivalesque na pamamaraan. Nalaman na may labintatlong (13) paraan ng pagbuo sa mga meme sa eleksiyon: paggamit ng kilaláng personalidad, paglikha ng bagong larawan, paggamit ng mahalagang pangyayari, paggamit ng pelikula/palabas, screenshot, paghahanay ng mga larawan, pagbuo ng salita sa tambalan at pagdaragdag ng salita sa pamamagitan ng diyalogo, salita sa orihinal na larawan, at direktang sipi sa mga larawan at popular na linya. Ang mga isyu sa likod ng mga meme na nasuri ay napatutungkol sa ugali ng kandidato, kuwalipikasyon para sa posisyon, paglalaban-laban ng mga kandidato, pagkapanalo para sa posisyon, integridad ng kandidato sa panunungkulan, mga iniuugnay sa kandidato, katatawanan, at pagsuporta sa kandidato. Lumitaw na ginagamit ang mga meme sa eleksiyon para sa panunuligsa, pagpapaalala sa mahahalagang pangyayari, propaganda, at katatawanan. Ang mga meme bílang kontra-gahum ay ipinakakalat ng lipunan dahil ito’y napapanahon para sa mensahe ng pagtutol, pagsang-ayon, at pagsulong ng kaisipan.

Mga Susing Salita: Pinoy meme, sisteng kontra-gahum, carnivalesque, eleksiyon 2016, social media

 

This study analyzes the Filipino memes that spread on social media during the 2016 election. The analysis examines how the memes were made, what political issues are behind them, and how they were used as a counter-power in the election. In this study, the memes in the election appears as counter-power system for the candidates. Memes are formed in a carnivalesque way. The study found that there are thirteen (13) ways memes are formed during election: the use of well-known personalities, creating new images, access of precious circumstances, use of films/tv program, screenshots, aligning of images, creating a word from the pairings and adding of words using dialogue, word in the original image, and direct quotations of images and popular line. The issues behind memes that were evaluated are the following: the behavior of candidates, qualification for the position, competition of candidates, winning for the position, integrity of candidate in the office, association for the candidate, humor and support for the candidate. Memes are used during election for criticism, reminding of important events, propaganda, and humor. Memes as counter-power circulated by society because they are timely for the message of resistance, approval and promotion of ideas.

Keywords: Pinoy meme, counter-power system, carnivalesque, election 2016, social media