Kritikal na Pagsasalin ng Isang Tulang Sosyopolitikal ni Jose Maria Sison / A Critical Translation of a Sociopolitical Poem of Jose Maria Sison
Jeconiah Louis Dreisbach
Abstrak
Konektado ang gawaing pagsasalin sa usaping pampolitika at kultura. Multidisiplinaryo ito dahil kinakailangan na tingnan ng tagasalin ang konteksto ng kasaysayan, kultura, at karanasan ng isang manunulat upang maibahagi sa mga mambabasa ang mensahe na hatid ng mga akdang pampanitikan. Layunin ng papel na ito na isalin sa Filipino ang isang tulang sosyopolitikal ni Jose Maria Sison bílang kontribusyon sa pagpapayabong ng mga teksto sa pambansa at panlipunang kalayaan at maihatid ito sa kalakhang masang Filipino. Inilapat ang Teorya ng Manipulasyon ni Andre Lefevere upang maisakatuparan ang kritikal at ideoholikong pagsasalin ng tula. Bagaman nása kontekstong Filipino na ang nasabing obra, layunin ng pagsasalin na maipahatid ang mensaheng magtataas ng kamalayan magpapakilos sa sambayanang Filipino tungo sa kalayaan.
Mga Susing Salita: Jose Maria Sison, teorya ng manipulasyon, kritikal na pagsasalin, tulang tuluyan
Translation work is connected to political and cultural discourses. It is multidisciplinary as it requires the translator to look into the historical, cultural, and personal contexts of the author in order to fully interpret the message of their literary works. This paper aimed to translate a sociopolitical poem of Jose Maria Sison into Filipino to contribute in the development of texts pertaining to national and social liberation, and to deliver it to the greater Filipino masses. The translator utilized the Theory of Manipulation by Andre Lefevere to fulfill the critical and ideological translation of the poem. Despite the poem having being based in the Philippine context, the goal of this translation is to enlighten and mobilize the Filipino people towards genuine freedom.
Keywords: Jose Maria Sison, manipulation theory, critical translation, prose poem