Ang Metapisika at Etika ng Pakikipagkapwa-tao / The Metaphysics and Ethics of Humane Interpersonal Relations
Napoleon M. Mabaquiao Jr.
Abstrak
Ang papel na ito ay isang pilosopikong pagsusuri sa kálikasán ng pakikipagkapwa-tao, na inuunawa bílang makatáong pakikitungo ng isang tao sa kaniyang kapwa-tao. Ang pagsusuri ay ginagawa sa mga larangan ng metapisika at etika. Sa metapisikong pagsusuri, sinusuri ang kaganapan (o posibilidad) ng pakikipagkapwa-tao: kung kailan ito masasabing nagaganap o umiiral. Isinusulong dito ang pagkakaiba ng teoretiko at praktikal na antas ng kaganapan ng pagkikipagkapwa- tao, na nagsisilbing balangkas sa pagsusuri ng mga kaugnay na kaisipan ng mga ilang pilosopo na kinabibilangan nina Buber, Sartre, Husserl, Levinas, Heidegger, at Kant. Sa kabilang bandá, sinisiyasat sa etikong pagsusuri ang kahalagahang pangmoral o kabutihan ng pakikipagkapwa-tao: kung kailan masasabi na ang isang kaganapan nito ay mabuti. Sinusuri dito ang kálikasán ng kabutihan ng pakikipagkapwa-tao sa mga pananaw ng mga teoryang pang-etika ng utilitarismo, deontolohiya, at birtudismo.
Mga Susing Salita: pakikipagkapwa, pakikipagkapwa-tao, kapwa, kapwa-tao, makataong pakikitungo, etika, pagkatao
This paper does a philosophical analysis of the nature of humane interpersonal relations or intersubjectivity, referring to a kind of human interaction where the personhood of humans is respected. The analysis is done in the areas of metaphysics and ethics. The metaphysical analysis looks into the possibility of intersubjectivity, or the conditions under which intersubjectivity can be said to occur. In this analysis, a distinction is made between the theoretical and practical levels of intersubjectivity which then serves as the framework for examining the related philosophical views of Buber, Kant, Husserl, Heidegger, Sartre, and Levinas. On the other hand, the ethical analysis looks into the moral value or goodness of intersubjectivity, or the conditions under which its occurrence is said to be morally good. In this analysis, the nature of the moral goodness of intersubjectivity is examined using the perspectives of the ethical theories of utilitarianism, deontology, and virtue ethics.
Keywords: humane interpersonal relations, intersubjectivity, other people, ethics, human personhood