Artikulasyon ng Katutubong Pilosopiya / Articulation of Indigenous Philosophy
Florentino T. Timbreza
Abstrak
Sa atas ng likas na pangangailangan ay lumikha ang tao ng kultura upang mabuhay sa mundo, kung saan siya isinilang na wala sa kaniyang kaalaman at pagkatapos ay mamamatay naman siya laban sa kaniyang kalooban. Nakapaloob sa kaniyang kultura ang iba’t ibang paraan at mga sistema ng kaniyang paglutas sa samot saring suliranin para lamang mananatiling buhay; bukod sa kaniyang katutubong wika—bilang tagadala ng pag-iisip at instrumento ng komunikasyon—ay kasama na rito ang pagbalangkas ng ilang katutubong pananaw bilang panuntunang-paliwanag o panukatang-pagkukuro at kasagutan sa kakumbakitan ng buhay-tao. Kailangan niya ang mga ito upang maibsan at mabigyang-kasiyahan ang kaniyang likas na pagkauhaw sa kaalaman at ang kaniyang pagtugis sa katotohanan. Dahil ito, ang bumubuo ng kaniyang mga katutubong pilosopiya sa buhay.
Mga Susing Salita: kultura, katutubong karanasan at wika, katutubong pilosopiya, panuntunang-paliwanag, panukatang- pananaw, tambalang yin-yang, konsepto ng nirvana, metapora ng gulong, labintatlong kaibigan ng tao, sariling-disiplina
By force of natural necessity, man invented culture if only to survive in a world where he was born without his knowledge and then he is going to die against his will. His culture consists of the various ways and means, the systems and methods conceptualized and established by which to resolve myriad problems if only to survive and continue living. Aside from indigenous language—as the carrier of thought and the vehicle of communication—is the articulation and formalization of indigenous world-views which serve as a mental frame of reference or a frame of orientation that quenches man’s natural thirst for knowledge and his search for truth and meanings. In effect, these world-views constitute his indigenous philosophy of life.
Keywords: culture, indigenous experience and language, indigenous philosophy, frame of reference, conceptual framework, point of valuation, yin-yang polarity, concept of nirvana, the wheel metaphor, the 13 friends of man, self-discipline