Ang Tao sa Ka-taw-an at sa Ka-tau-han: Pag-uugnay sa Pagpapakatao, Pakikipagkapuwa-tao, at Pagkatao / The Person in the Human Body: Being Human, Becoming a Human Person, Sharing the Self with ‘Other’ Selves

Roberto E. Javier, Jr.

 

Abstrak

Isang pagsasaliksik ito sa wika at lingguwistika ng ‘tao’ na, ang katagang ugat ng kambal na katawagang katawan at katauhan pati ugnayan nitong dalawa sa pagiging tao, pagpapakatao, pakikipagkapuwa-tao’t pagkatao. Isang etnolingguwistika ang isinagawa para matuklasan sa paggamit ng wika ang mga kahulugan ng katawagang katawan at katauhan. Isa ring sikolinguwistika ito sa kaalamang kubli sa magkaugnay ngang konsepto ng katawan at katauhan. Kinapa-kapa ang kahulugan at kaalaman sa mga dokumentong nasusulat mula sa sinaunang diksiyonaryo hanggang sa mga publikasyon sa Internet ang ‘tao.’ Sinimulang usisain sa ilang piling kantang Pilipino ang paglalarawan sa tao. Pagkatapos sinuyod pagkatapos ang mga katawagang kasalukuyang pantukoy sa katawan na naglalarawan di lamang sa tinutukoy nito kundi sa pakahulugan sa katauhan. Sinuri pagdaka, ang mga salitang may ‘tao’ sa pamamagitan ng pagtukoy sa pag-iiba sa pagpapakahulugan ayon sa bagong Gramatikang Pilipino. Tinuklas sa nabuong mga salitang may tao sa pamamagitan ng pagsusuri sa panlaping ikinakabit dito, hal., kung ano ang kahulugan at anong kaugnay nitong ekspresyon at metapora. Tinukoy rin ang nakapaloob ditong hayag man o di-hayag na pag-unawa sa ugnayang katawan-katauhan. Ang salitang ‘tao’ kung tutuusin ay siyang ‘katawan’ din, katagang nilapian (ka-tao-an). Kita agad ang katawan dahil may anyo’t hugis ang katibayan nito. Kaya kung sabihing ‘tao po?’ at nagkataong wala nga’y sapagkat walang katawan, manapa ng katauhan doon. Kaya rin mistulang mistiko o himala kung sabihing nagkatawang-tao dahil walang katibayan nito at sapagkat ito’y pag-uulit, isang negasyon ng realidad. Sinasabi pa na katawang lupa’t di katawang tao. Ang tao’y kabuuan na, iisa ang katawa’t katauhan. Halimbawa ang mukha sa may ka-taw-an nito ay hindi hiwalay sa ka-tau-han niya, siya ngang totoong tao. Kaya kung sabihing ‘makapal ang mukha’ ay dahil ito nga’y walang hiya. Ang talamak na tiwali o mandaraya’t mandarambong ay sinasabihang makapal ang mukha, walang dangal, walang pagkatao. Sa sukdulan, itinuturing na ‘hayop’ ito. Ang pagkatao’y tinataya sa ikinikilos o iniuugali ng katawan sa pagpapakatao, dahil ito’y kaniyang katauhan o pagkatao. Ang hindi ‘marunong mahiya’ ay hindi natuto sa pagpapakatao o nakatatanto ng pagkatao.

Mga Susing Salita: katawan-katauhan, kapuwa, pagpapakatao, pakikipagkapuwa-tao, pagkatao, paglalapi, pag-uugat

 

This is a study in linguistics on the term tao (human) the root word of the twin concepts of katawan (human body) and katauhan (human person) and how such relate in pagiging tao (being human), pagpapakatao (becoming a human person), pakikipagkapuwa-tao (sharing the self with other selves), and pagkatao (personhood). An ethnolinguistics was done on the use of the Filipino language in expressing indigenous ideas on what their experiences are about their being, becoming and what they ought to be. A psycholinguistics was also used to understand the implicit knowledge of the Filipino in the term tao ‘kept’ in the concepts katawan, katauhan. A Philippine social science approach pakapa-kapa (groping) was employed in generating evidence in Filipino terminologies (of high frequency or in use today and in old dictionaries of 1613 and 1860) and grammar (system of affixation or paglalapi in Gramatikong Pilipino). Using the techniques of doing analysis of the ‘word’ such as scrutinizing the root word and the system of affixation in the language, meanings are derived in the process. The word tao was analyzed linguistically, i.e., with its affixes and usages as well as in the expressions and metaphors (implicit, explicit meanings of the word). Tao is katawan with affixes ka and an (ka-tao-an). The human (with the) body is certainly self-evident in the word katawan. In the expression ‘tao po’ (and if it happens that there is no one in the house or, if there is but would not want to appear), the one who uttered/heard such words understands what is meant, that he/she is presenting his/her being in a body (in common sense). It is interesting to note too that there is mystery in ‘nagkatawang tao’ as it is impossible to say so since there is a redundancy in the two words (nag)katawan(g) and tao (ka- tao-an). Thus it is non-existent as it negates the presence of tao. The expression katawang lupa is more comprehensible because lupa is a distinctly different idea with the tao. The tao is ‘whole’ i.e. the body and person is one, there is unity, e.g. the face (mukha) externalizes the inner soul (hiya). To say that one is ‘makapal ang mukha’ (thick face, bareface), he/she is ‘walang hiya’ (lacks dignity, walang pagkatao strongly suggestive of being shameless). Thus, despite having immense influence, as in being a powerful politician or an affluent member of society, if he/she is known to be corrupt and greedy, he/she is said to be ‘makapal ang mukha’. Such being has failed to become a human person and has remained a brute, thus the expression ‘hindi marunong mahiya’ or ‘hayop’ (animal). Such shameless self is opposed to kapwa (shared self). Hiya in the Filipino is the epitome of ones being.

Keywords: tao (human), paglalapi (affixation), katawan (body), ka-tao-an (prefix ka-, suffix -an), katauhan (person, character), pagkatao (human being), pagpapakatao (becoming human/e), kapuwa (shared being/self), pakikipagkapuwa-tao (treating the other as oneself)