Lahok-Linang: Pagtataya sa mga Gawain ng Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) Taong Panuruan 2016-2017 Bilang Integratibong Lunsaran sa Paglinang ng mga Makrong-kasanayang Pangwika Tungo sa Pagpapataas ng Pakikilahok sa mga Gawaing Pang-organisasyon / Lahok-Linang: Assessment of the Activities of “Kapisanang Diwa at Panitik” (KADIPAN) in the Academic Year 2016-2017 as an Integrative Channel of Cultivating Macro-skills in Communication to Empower the Student Involvement

Voltaire Villanueva, Jazz Lendle Dy, Dianne Malacay, at Kaye-Ann Oteyza

 

Abstrak

Kasabay ng pagpapatupad ng bagong kurikulum ang pagtatakda ng mga kahingiang kabilang sa ika-21 siglong kasanayan tulad ng kakayahang komunikatibo na pangunahing tuon sa mga mithiin ng kurikulum sa Filipino kasama ng paglinang sa kasanayang replektibo o mapanuring pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan. Ang Pamantasang Normal ng Pilipinas, bilang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro sa bisa ng Batas Republika Blg. 9647, ay may pananagutan sa paglikha ng mga guro sa hinaharap na tutugon sa mga kahingian ng panibagong kalakaran ng edukasyon. Taglay ng nasabing pamantasan ang mga Program-Based Organizations tulad ng Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) na naglulunsad ng mga suplemental na ko-kurikular na gawaing nakakawing sa kurikulum ng pamantasan subalit kasalukuyang dumaranas ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral na nakikisangkot sa mga gawaing inilulunsad nito. Mula rito, tatangkain ng pag-aaral na isa-isahin ang mga kompetensing nalilinang sa mga gawain ng nasabing kapisanan, suriin kung ang mga nasabing gawain ay integratibong lunsaran sa pagtatamo ng mga kasanayang pangwika sa labas ng silid-aralan, at bumuo ng talaan ng mga kompetensi sa ilalim ng mga makrong kasanayang pangwika na nalilinang sa mga gawain ng KADIPAN nang sa gayon ay makapag-ambag ng kamalayan sa mga magiging guro ng wika sa hinaharap sa mga pakinabang at ganansiya ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing inilulunsad ng KADIPAN sa kanilang paglubog sa umiiral na sistema ng edukasyon sa hinaharap. Samakatwid, tinitingnan ng mga mananaliksik ang potensiyal ng kalinangan sa mga kasanayang pangwikang hatid ng mga gawaing pang-organisasyong isinasagawa ng KADIPAN na matugunan ang kahingian sa pagtatamo ng kakayahang komunikatibo na inaasahang taglay rin ng mga guro ng wika sa hinaharap.

Mga Susing Salita: Gawaing Pang-organisasyon, Kakayahang Komunikatibo, Kapisanang Diwa at Panitik, Makrong Kasanayang Pangwika, Talaan ng mga Kompetensing Pangwika

 

As the transition curriculum was implemented, the Philippine Education was tasked to inculcate 21st century skills like communicative competence. Filipino curriculum focuses on nurturing reflective competence, critical thinking skills, and literary valuing. The Philippine Normal University, as the National Center for Teacher Education (R.A. 9647) has the obligations of nurturing innovative teachers that will respond to the needs of the educational system in the country. On the other hand, the university has Program-based Organizations such as Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) that conducts co-curricular activities. However, the organization is experiencing the regression of student involvement in certain activities. Furthermore, this research aims to enumerate competencies enhanced in the activities of KADIPAN, to analyze each activity if it serves as an integrative channel to attain communicative competencies outside the classroom, and to tabulate each competency under macro-skills in communication that is developed in the activities of KADIPAN in order to contribute in the awareness of the future educators in how they can benefit from their active participation in the activities as they immerse with the educational system in the future. Therefore, the researchers see the potentials of organizational activities in enhancing the communicative competence to nurture the skills of future language educators.

Keywords: Communicative competence, Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN), List of communicative competencies, Macro-skills in communication, Organizational activities