Limang Case Study Tungkol sa mga Barako ng Batangas: Pagdalumat sa Isang Mas Makatotohanang Imahen ng Barako Five Case Studies on the Barakos of Batangas: A More Appropriate Image of the Barako
Aristotle P. Balba at Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Abstrak
Nilalayon ng papel na ito na maglahad ng isang mas makatotohanang imahen ng barako bilang isang kultural na imaheng nakakabit na sa identidad ng mga Batangueño. Sa pamamagitan ng pagsagawa ng limang case study sa ilang bantog na barako sa lalawigan ng Batangas ipakikita ng papel na mas malalim at makulay pa ang tunay na imahen ng barako kaysa imahen nitong kumakalat sa kulturang popular sa labas ng nasabing lalawigan.
Mga Susing Salita: Lalawigan ng Batangas, Barako, Batangueño
This paper intends to lay down a more appropriate image of the barako as a cultural icon that already been attached to the identity of the Batangueño. By undertaking five case studies on some of the known barakos of the province of Batangas this paper will show that the real image of the barako is deeper and richer than its image found in popular culture outside the said province.
Keywords: Province of Batangas, Barako, Batangueño