Pagbati kay Dr. Janet Hope Camilo Tauro sa pagkilala ng Embahada ng Pilipinas, Wellington, New Zealand

Malugod na pagbati kay Dr. Janet Hope Camilo Tauro sa pagkilala ng Embahada ng Pilipinas, Wellington, New Zealand sa kaniyang napakahalagang ambag sa pagsusulong ng mabuting relasyon sa pagitan ng Pilipinas at New Zealand. 

Si Dr. Janet Hope Camilo Tauro ay naging tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle Maynila at kasalukuyang part-time faculty nito. 

Sana ay dumami pa ang tulad mong patuloy na nagtataguyod sa wikang Filipino at kulturang Pilipino sa bansang kanilang pinaninirahan.

Ipinagmamalaki ka ng ating departamento!