Fakulti

Pamunuan ng Departamento

Rowell D. Madula, Ph.D

TAGAPANGULO
Si Dr. Rowell D. Madula ay Propesor sa Pamantasang De La Salle – Manila. Nagtapos siya ng kursong BS Management Major in Legal Management sa Ateneo de Manila University, MA Araling Pilipinas (may mataas na karangalan) at Ph.D Araling Filipino (ginawaran ng Outstanding Dissertation) sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Ko-awtor ng mga librong Ekonomiks sa Filipino na inilathala ng IBON Foundation at ng librong To Write is to Choose: Ang Kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines 1931-1972. Nagturo ng mga kurso sa Wika, Panitikan, at Kasaysayan sa Ateneo, Miriam College at Assumption College. Siya ang kasalukuyang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle at ng Alliance of Concerned Teachers-Private Schools. Siya ang ko-editor ng MALAY, isang internasyunal na journal sa Araling Filipino, at kasalukuyang pangalawang pangulo ng Board of Trustees ng Asia Pacific Research Network (APRN). Tumanggap din siya ng Gawad Ulirang Guro sa Filipino 2021 mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Mga erya ng pananaliksik: Kultura, Midya, Kasarian, Rebolusyon, Edukasyon
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Deborrah S. Anastacio

Ikalawang Tagapangulo; Koordineytor para sa mga Andergradwadong Programa
Si Deborrah Sadile Anastacio ay nagtapos ng kursong AB Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media sa Pamantasang De La Salle – Maynila bilang Magna Cum Laude at Outstanding Thesis Awardee. Sa taguyod ng Scholarship Program ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science, and Technology (MEXT) ng Japan, matagumpay niyang natapos ang kaniyang Master of Arts in International Relations sa Waseda University, Tokyo Japan noong 2016. Sa bisa ng SALIKHA Grants for Creative Projects of the K-12 Transition Program ng Commission on Higher Education at National Commission for Culture and the Arts ng Republika ng Pilipinas naisagawa niya ang proyektong film documentary na PAMANA: Kalinangan ng Mendez, Cavite. Sa kasalukuyan, nagtuturo siya sa Departamento ng Filipino ng DLSU, Manila at tinatapos ang kaniyang Ph.D sa Araling Pilipinas sa nasabing pamantasan.

Mga erya ng pananaliksik: Cultural Heritage, Philippine Studies, Local Studies, Arts Studies, Media and Internet Studies
Google Scholar | Academia | ResearchGate

David Michael M. San Juan

Koordineytor para sa mga Gradwadong Programa
Professor sa Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila (DLSU-Manila), affiliate sa DLSU Southeast Asia Research Center & Hub (SEARCH), at pangulo ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF). Itinanghal na Makata ng Taon 2010 at Mananaysay ng Taon 2009 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Nagsilbing Vice Head ng Pambansang Komite sa Wika at Salin (National Committee on Language and Translation) sa ilalim ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Kasalukuyang Associate Member ng Division 1 (Governmental, Educational and International Policies) ng National Research Council of the Philippines (NRCP). Isa sa mga lead convener ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA).

Mga erya ng pananaliksik: lorem ipsum
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Ramilito B. Correa

Kasalukuyang Assistant Professor at nagsimulang magturo sa De La Salle University-Manila noong 1996. Naging Pangalawang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino noong 2005-2007 at 2008-2014. Tapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary Education Major in Filipino – Cum Laude sa Philippine Normal University noong 1993, Master of Arts in Teaching – Major in Pagtuturo ng Filipino sa PNU noong 1999, Master of Arts in Language and Literature-Filipino sa DLSU-Manila noong 2001, at Doctor of Arts in Language and Literature- Filipino sa Setyembre, 2022.

Naging Managing Editor siya ng Malay (DLSU International Refereed Journal); Research grantee at awardee ng De La Salle University Research Coordination Office. May mga publikasyon siya sa araling Filipino (nasyunal at internasyunal) ukol sa pagsasalin, kasaysayang pampanitikan, at mga salin ng maiikling kwento at tula sa Filipino sa mga journal na Malay at Banwa, at mga antolohiyang aklat na 100 Salin, Lasang Lasallian at iba pang nalathalang babasahin. Awtor siya ng mga teksbuk sa Filipino sa elementarya, sekundarya at kolehiyo.

May Gawad Pagsulat ng Sanaysay Gantimpalang Collantes, Komisyon sa Wikang Filipino noong 2003 at 2012. Tumanggap ng Plaque of Distinction noong 1993 sa Munisipyo ng Malabon; Tumanggap ng parangal bilang Pangalawang Pinakamahusay na Mag-aaral sa Filipino, Supreme Student Council Awardee at Most Outstanding Student Leader of the Year sa PNU noong 1993. Dalawang ulit tumanggap ng parangal na Gawad Obispo Felix Paz Perez bilang Pinakamahusay na Tagapayo para sa Organisasyong Pangmag-aaral sa De La Salle University-Manila noong SY 2006-2007 at SY 2007-2008.

Nakapagturo rin siya ng Filipino sa sekundarya sa San Beda College – Mendiola (1993-1995), Our Lady of Grace Academy (1995), San Beda College Alabang (1996); at Filipino sa kolehiyo sa Colegio De San Juan De Letran (1996-1997) at Assumption College (1997-1998).

Nakapagturo sa mga Fulbright Scholars ng Advanced Filipino Abroad Program (AFAP) na proyekto ng United States Department of Education sa pakikipagtulungan ng University of Hawaii – Manoa at De La Salle University – Manila noong 2010.

Siya ay naging Pangulo ng Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) noong 2012-2019.

Mga erya ng pananaliksik: Wika, Midya, Panitikan, Pagsasalin
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Rowell D. Madula

Si Dr. Rowell D. Madula ay Propesor sa Pamantasang De La Salle – Manila. Nagtapos siya ng kursong BS Management Major in Legal Management sa Ateneo de Manila University, MA Araling Pilipinas (may mataas na karangalan) at Ph.D Araling Filipino (ginawaran ng Outstanding Dissertation) sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Ko-awtor ng mga librong Ekonomiks sa Filipino na inilathala ng IBON Foundation at ng librong To Write is to Choose: Ang Kasaysayan ng College Editors Guild of the Philippines 1931-1972. Nagturo ng mga kurso sa Wika, Panitikan, at Kasaysayan sa Ateneo, Miriam College at Assumption College. Siya ang kasalukuyang Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle at ng Alliance of Concerned Teachers-Private Schools. Siya ang ko-editor ng MALAY, isang internasyunal na journal sa Araling Filipino, at kasalukuyang pangalawang pangulo ng Board of Trustees ng Asia Pacific Research Network (APRN). Tumanggap din siya ng Gawad Ulirang Guro sa Filipino 2021 mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Mga erya ng pananaliksik: Kultura, Midya, Kasarian, Rebolusyon, Edukasyon
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Lakangiting C. Garcia

Propesor ng wika, panitikan, midya, araling Pilipino, kultura, pananaliksik at malikhaing pagsulat, si Dr. Garcia ay nagtapos ng AB Pilipino, may M.A. sa Drama Education and Theater Arts at Doktorado sa Wika at Panitikan.

Nagkamit ng Gawad Francisco Balagtas mula sa Komisyon ng Wikang Filipino bilang natatanging guro, manunulat, direktor at mananalumpati. Pinarangalan siya bilang Natatanging Hiyas ng Sining ng Panulat (Lifetime Achievement) ng Guild of Educators, Mentors and Students, nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, nagwagi sa Gawad Guro ng Kabayan Newspaper, kinilala bilang natatanging guro/manunulat ng PANDAYLIPI, KAKAMPI at SSOT.

Naging tagapagsanay ng mga guro/propesyunal sa ilalim ng Center for Educational Measurements at gayundin ng Norwegian Shipowners’ Association.

Nailathala na ng iba’t ibang publikasyon ang mga aklat na naglalaman ng mga dula, nobela at salin ni Dr. Garcia. May mga naisulat na rin siyang aklat mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo. Koordineytor, editor at awtor din siya ng mga batayang aklat at nakabase ngayon sa Abiva Publishing House. May mga aklat si Dr. Garcia na kabilang sa mga asian collections na matatagpuan sa mga aklatan sa Amerika, Australia, Canada at Sweden.

Mga erya ng pananaliksik: Anumang paksaing may kaugnayan sa: wika, kultura, panitikan, malikhaing pagsulat at komunikasyon
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Rhoderick V. Nuncio

Si Rhoderick V. Nuncio ay kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Siya ang tagapagtatag ng Networked Learning Philippines (NLPH, Inc.) na isang propesyunal na organisasyon ng mga gurong online at mga mananaliksik sa ICT para sa edukasyon. May mga publikasyon siya tungkol sa Araling Pilipinas, Araling Internet, kritika, pilosopiya at malikhaing pagsulat. Tapos siya ng Ph.D at MA Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman at ng AB Philosophy & Human Resource Development sa San Beda College.

Mga erya ng pananaliksik: Araling Internet, kritika, pilosopiya, lipunan at kulturang Filipino
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Raquel E. Sison-Buban

Si Raquel E. Sison-Buban ay Associate Professor sa Departamento ng Filipino sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Sa kasalukuyan, nanunungkulan siyang pangulo ng PATAS (Propesyonal na Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin, Inc.) at Pangalawang Puno ng Komiteng Tagapagpaganap ng NCLT (National Commission for Language and Translation) ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts). Nagtapos siya ng digring Ph.D. Ladderized Program sa Filipino, medyor sa Pagsasalin sa Filipino (with high distinction) sa De La Salle University – Manila, taong 2003 at ng digring Bachelor of Science in Secondary Education medyor sa Filipino (cum laude) sa Philippine Normal University – Manila, taong 1989.

Mga erya ng pananaliksik: Pagsasalin, Araling Pagsasalin, Sosyolinggwistika
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Deborrah Sadile Anastacio

Si Deborrah Sadile Anastacio ay nagtapos ng kursong AB Philippine Studies Major in Filipino in Mass Media sa Pamantasang De La Salle – Maynila bilang Magna Cum Laude at Outstanding Thesis Awardee. Sa taguyod ng Scholarship Program ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science, and Technology (MEXT) ng Japan, matagumpay niyang natapos ang kaniyang Master of Arts in International Relations sa Waseda University, Tokyo Japan noong 2016. Sa bisa ng SALIKHA Grants for Creative Projects of the K-12 Transition Program ng Commission on Higher Education at National Commission for Culture and the Arts ng Republika ng Pilipinas naisagawa niya ang proyektong film documentary na PAMANA: Kalinangan ng Mendez, Cavite. Sa kasalukuyan, nagtuturo siya sa Departamento ng Filipino ng DLSU, Manila at tinatapos ang kaniyang Ph.D sa Araling Pilipinas sa nasabing pamantasan.

Mga erya ng pananaliksik: Cultural Heritage, Philippine Studies, Local Studies, Arts Studies, Media and Internet Studies
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Dolores R. Taylan

Si Dolores R. Taylan ay nagtapos ng Ph.D in Filipino Language and Literature Ladderized Program sa Pamantasang De La Salle – Maynila, 2003; Master of Arts in Teaching sa Philippine Normal University, 1996; at AB Filipino sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, 1984. Kasalukuyang Associate Professor sa Departamento ng Filipino sa De La Salle University-Manila at gumaganap din bilang coordinator ng Basic Filipino for Foreigners; Managing Editor ng Malay, internationally refereed at abstracted inter/multidisiplinari journal sa Araling Filipino; Board Member ng Association of Faculty and Educators of DLSU, Inc.; at tagapayo ng Ang Pahayagang Plaridel, isa sa mga opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng DLSU. Naging guro sa Advanced Filipino Abroad Program at Filipino Language and Cultural Immersion Program for Singaporeans. Teksbuk writer sa Filipino sa junior at senior high school.

Mga erya ng pananaliksik: Language, Literature, Culture, Women Studies, Migration
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Joel L. Orellana

Nagtapos ng Bachelor of Arts Major in History at Bachelor of Secondary Education Major in Economics sa Pamantasang De La Salle noong 1997 bilang academic scholar at naging part-time faculty ng Dapartment of History at Department of Filipino mula 1997 hanggang 1999. Pumasok sa larangan ng sports journalism at nagsulat sa tabloid na Balita, Kabayan, The Manila Times, Shimbun Manila, Business Mirror at The Daily Tribune. Taong 2000 naging Coordinator for Training sa Student Publications Office (ngayon ay Student Media Office) hanggang 2006 at sa taon din ito bumalik sa pagtuturo sa Department of Filipino bilang part-time faculty hanggang sa kasalukuyan. Nagtapos ng Master of Arts Major in Philippine Studies noong 2012 sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Naging miyembro ng Philippine Sportswriters Association, ang pinakamatandang media organization sa bansa, mula 1999 hanggang 2020. Bukod sa pagtuturo, mawalak ang karanasan sa sports journalism at nagkober ng mga lokal at internasyunal na kompetisyon tulad ng Asian Games sa China, William R. Jones Cup sa Taiwan, Sultan Cup sa Brunei Darussalam at Southeast Asian Games dito sa Pilipinas (2005 at 2019). Naging contributor din sa iba’t ibang sports magazines at websites tulad ng Interaktiv.com at abscbnnews.com. Naging participant ng Ricky Lee Scriptwriting Workshop noong 1999 at Film Criticism Workshop with Richard Bolisay ng University of the Philippines Los Banos PelikuLAB noong 2020. Naging faculty adviser ng Archers Network noong 2020. Awtor ng teksbuk na Filipino sa Piling Larangan (Sports) ng Rex Book Store at naging hurado at ispiker sa National School Press Conference ng Department of Education ng ilang taon. Nagtapos ng elementarya sa Buli Elementary School at hayskul sa Southridge Night School Alabang bilang iskolar.

Mga erya ng pananaliksik: journalism, Philippine history, Philippine language, Philippine cinema, pop culture
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Mark Anthony S. Salvador

Nagtapos ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at ng Masterado sa Malikhaing Pagsulat si Mark Anthony S. Salvador sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Kasalukuyan din siyang kumukuha ng Doktorado sa Pilosopiya sa Panitikan sa nasabing pamantasan. Mababasa ang kanyang mga akda sa Kawing, Rappler, Tomas, Dx Machina: Philippine Literature in the Time of Covid-19 1, Likhaan, Entrada, Reflective Practitioner, Pylon, Bookwatch, Liwayway, at Luntian journal. Kasalukuyan siyang assistant professorial lecturer 2 sa Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle – Maynila. Kasapi siya ng Alliance of Concerned Teachers – Private Schools.

Mga erya ng pananaliksik: Panitikan ng Pilipinas, speculative fiction
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Alphonsus Luigi E. Alfonso

Kasalukuyang nagtuturo si Alphonsus kapwa sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Malalayang Sining, Pamantasang De La Salle – Maynila, at sa mga Kagawaran ng Interdisiplinaryang Pag-aaral at Ingles, Paaralan ng Humanidades, Pamantasang Ateneo de Maynila.

Mga erya ng pananaliksik: Fourth industrial revolution, technology, employment, human resources, interpersonal communication
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Eriberto R. Astorga, Jr.

Si Dr. Eriberto R. Astorga, Jr. ay nagtapos ng Doctor of Education major in Educational Management at Doctor of Philosophy in Filipino. Sa kasalukuyan, bukod sa kanyang paglilingkod sa Departamento ng Filipino, siya ay Associate Professor IV sa Filipino at Humanidades at Propesor sa Paaralang Gradwado sa, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology, Pacific Intercontinental College at National University. Siya ay nanunungkulan din bilang Director, Extension and Community Services at Gender and Development Focal Person sa EARIST.

Si Dr. Astorga ay isa sa mga nominado bilang Ulirang Guro 2018, evaluator sa Komisyon sa Wikang Filipino at Book Evaluator ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) at Composition/Essay Rater sa Center for Educational Measurement, Inc. para sa Accreditation and Equivalency Test ng DepEd-Alternative Learning System. Nailathala ang kanyang artikulo na pinamagatang Telenovela: Isang Pag-aaral sa SIBOL, University of Michigan Journal of Filipino and Philippine Studies at tula sa Lasang Lasallian ng Pamantasang De La Salle. Nakapagbasa na siya ng mga papel pananaliksik sa mga conference sa Thailand, Japan, Hong Kong, Vietnam, Singapore, Malaysia at Brunei.

Nagawaran bilang Outstanding Educator in Filipino at Outstanding Educator in Community Engagement na iginawad ng Luminary Excellence in Education & Research Awards (2022); Outstanding Professor for the Contribution in the Field of Education na iginawad ng International Icon Awards (2022); Outstanding Teacher at Researcher of the Year na iginawad ng National Awards for Educators (2021), International Excellence Award as College Professor na iginawad ng Leadership in Education Academy and Development (2020) at Outstanding Director na iginawad ng International Education Summit and Awards (2020), Bangkok, Thailand. Book writer at textbook evaluator ng Department of Education (DedEd).

Mga erya ng pananaliksik: Education, Social Sciences, Wika at Kultura
Google Scholar | Academia | ResearchGate

AARichela dela Cruz

Si AARichela dela Cruz ay bahagi ng Office for Strategic Communications bilang Undergraduate Marketing Coordinator sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Kasabay nito, siya rin ay fakulti sa ilalim ng Departamento ng Filipino sa parehong pamantasan. Dito rin siya nagtapos ng kanyang digring BS Applied Economics at MA Philippine Studies. Kasalukuyang nag-aaral ng kanyang doktoradong digri sa Philippine Studies. Siya ang kasalukuyang Public Relations and Information Officer ng Networked Learning Philippines, Inc., isang organisasyon na nagtataguyod ng ICT for education and development sa Pilipinas at Asya-Pasipiko.

Mga erya ng pananaliksik: Philippine Studies, culture, media, visual communication
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Janet Hope Tauro Batuigas

Noon, si Janet Hope Tauro Batuigas ay reporter sa Ang Pilipino Ngayon, Philippine Star Magazine, Inside Story ng ABS-CBN TV Network, Philippine Graphics at Village Voice. Nakapagsulat siya ng investigative report tungkol sa mga Pilipinang biktima ng mga sindikato ng mail order bride sa London at ginamit ito bilang reference sa RA 6955 na nagbabawal ng parktis na ito.

Natapos niya ang Doctor of of Arts in Language and Literature sa De La Salle University Manila na may High Distinction, at Best Dissertation awards. Nakapagbasa rin siya ng kanyang riserts tungkol sa midya at Asian cultural studies sa mga unibersidad sa UK (University of Leeds), USA (Miami University), Malaysia (University of Malaysia) at Chinese University of Hong Kong.

Siya ay naging Head ng Communications Department ng Philippine Women’s University Manila at Chair ng Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle – Maynila. Nabigyan din siya ng Br. James Marcian Distinguished Professorial Chair for research.

Bilang manunulat at risertser nakapagpablish na rin siya ng malikhain akda at kritikal na sanaysay sa National Commission for Culture and Arts Sanghaya, EuroFilipino Journal, Hayskul, Mondo Marcos, Ani ng CCP, Dadaanin at iba pa. Naging Editor din siya ng Malay Journal, Daloy at Bin-i. Dalawang beses na rin siya nanalo sa Sanaysay ng Taon ng Komisyon ng Wikang Filipino.

Ngayon, kasama niya ang pamilya sa New Zealand at nagtatrabaho bilang Senior Case Manager ng Ministry of Social Development, habang nagtuturong part time sa Filipino Department DLSU via online. Nagsusulat pa rin at kasama siya sa lupon ng mga Patnugot ng Salin Journal at Malay Journal.

Nagboboluntaryo rin siya sa mga ilang organisasyon sa komunidad gaya ng Multicultural Nelson Tasman at Red Cross Refugees Settlement.
At habang may buhay si Janet ay patuloy na magiging makulit na Nanay ni Ludwig at ni Rielle, sumpunging asawa ni Ritchie at nagwawalang manunulat.

Mga erya ng pananaliksik: Pagsasalin, Malikhaing Pagsusulat, Diaspora at Bagong Midya
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Mirylle A. Calindro

Si Mirylle A. Calindro o “Joie” sa kaniyang mga kaibigan at kasamahan ay partaym na guro ng Departamento ng Filipino – Kolehiyo ng Malalayang Sining ng Pamantasang De La Salle. Siya ay nagtuturo ng mga asignaturang Filipino sa Senior High School at antas kolehiyo. Interes niya ang pananaliksik na may kaugnayan sa wika at kultura.

Mga erya ng pananaliksik: Wika at Kultura
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Donner L. Dones

Nagtapos ng kursong AB – Arts Management sa De La Salle – College of Saint Benilde. Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral at nagtapos ng Master sa Araling Pilipinas – Wika, Kultura at Midya sa Pamantasang De La Salle, Maynila.

Naging manunulat para sa telebisyon bilang bahagi ng Thinktank ng ABS-CBN Broadcasting Corporation. Sa nasabi ring kompanya, naging kalahok din sa unang worksyap na inorganisa ng Star Magic para sa pagbuo ng pelikula at telebisyon. Pinangunahan ang worksyap ng mga kilalang personalidad sa nasabing industriya. Nakadalo sa mga pagsasanay sa pagsulat ng kwentong pantelebisyon at pelikula sa ilalim ng primyadong manunulat at pambansang alagad ng sining na si Ricardo Ricky Lee. Aktibo rin sa teatro at naging bahagi ng ilang pagtatanghal sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Sa institusyon din na ito ay naging bahagi ng mga worksyap at seminar na may kinalaman sa kultura at iba’t ibang anyo ng sining sa bansa.

Sa larangan ng pananaliksik, ang kaniyang interes ay mga paksang may kinalaman sa kasarian at iba pang may kaugnayan dito. Katulad na lamang ng kaniyang tesis sa kaniyang masteral na tungkol sa mga matatandang bakla sa Pilipinas na may titulong “Lola na ang Lolah mo: Ang pagtatanghal ng Kabaklaan sa Panahon ng Katandaan”. Mula naman sa nabanggit na tesis, hinugot ang ilang mga datos para sa kaniyang papel na “Selebrasyon ng Kabaklaan sa Panahon ng Katandaan” na kaniyang iprinesenta sa TALABAN 2020 Palihan sa Pagsulat ng Iskolarling Papel sa Araling Pilipinas na inorganisa ng Departamento ng Filipino ng Pamatasang De La Salle Maynila.

Sa larangan ng pagtuturo, siya ay naging guro sa One Nation Entrepreneur School, Makati at sa Pamantasan ng Cabuyao sa Laguna. Sa kasalukuyan ay nagtuturo bilang part-time fakulti sa Dominican College sa Laguna at sa Pamantasang De La Salle – Maynila sa ilalim ng Departamento ng Filipino.

Mga erya ng pananaliksik: Kultura at Kasarian
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Billy N. De Guzman

Si Billy N. De Guzman ay nagtapos ng Batsilyer sa Sining sa Agham Pampolitika sa Far Eastern University – Manila noong 2009. Kumuha at nagtapos ng Master sa Sining sa Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle – Manila noong 2018. Ngayon ay kasalukuyang kumukuha ng Doktorado sa kursong Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle – Manila, at nasa pagsulat na ng kanyang Disertasyon. Kasalukuyang nagtuturo sa Pamantasang De La Salle at Unibersidad ng Santo Tomas bilang Part Time Fakulti.

Mga erya ng pananaliksik: Kultura at Kasaysayan
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Jeconiah Louis M. Dreisbach

Si Jeconiah Dreisbach ay Assistant Professorial Lecturer sa Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle kung saan nagtuturo siya ng mga kurso sa araling pangwika, kultura, at midya.

Siya ay isang interdisiplinaryong mananaliksik sa agham panlipunan at sosyolingguwista. Kasalukuyan niyang tinatapos ang kaniyang Doktorado sa Humanidades at Komunikasyon sa Universitat Oberta de Catalunya sa Barcelona at nagpapakadalubhasa sa sosyolingguwistikang kritikal. Bahagi si Jecon ng interdisiplinaryong grupo sa pananaliksik na Language, Culture and Identity in the Global Age (IdentiCat) at nagsasagawa ng mga pag-aaral kung saan nagtatagpo ang multilingguwalismo, migrasyon, araling interkultural, edukasyon, at polisiyang pangwika na pampamilya. Interesado rin si Jecon sa mga lingguwistiko at kultural na aspekto ng araling pangkalusugan, antropolohiyang lingguwtisko, araling pagsasalin, at kulturang popular. Isa siya sa mga patnugot ng librong Environment, Media, and Popular Culture in Southeast Asia (Springer, 2022).

Naninilbihan si Jecon bilang tagapamahalang patnugot ng Studies in Ethnicity and Nationalism at bahagi ng patnugutan ng LLT Journal: A Journal on Language Teaching, Ghancara: Indonesian Journal of Language and Literature Education, at Malaysian Journal of Media Studies. Nasa patnugutan din siya ng opisina ng Policy Research and Legal Services ng Bangsamoro Parliament bilang Honorary Fellow. Nagsilbi rin siya sa patnugutan ng Harvard Public Health Review at Southeast Asian Media Studies Journal.

Naihalal siya bilang Katuwang na Kasapi ng National Research Council of the Philippines sa dibisyon ng agham panlipunan at Fellow ng Royal Asiatic Society of Great Britain and Ireland. Naging Student Fellow din siya ng Royal Anthropological Institute of Great Britain and Ireland. Miyembro si Jecon ng Philippine International Studies Organization, Southeast Asian Media Studies Association, Association for Asian Studies, at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino.

Mga erya ng pananaliksik: sosyolingguwistiks, polisiyang pagwika, migrasyon, araling pangkalusugan
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Efren J. Domingo

Nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman ng kursong Philippine Studies. Sa parehong unibersidad din niya natapos ang kanyang masterado sa kursong Philippine Studies major in Women Development and Literature. Kasalukuyang tinatapos ang doktorado sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman sa programang Panitikan.

Naipadala sa Venice, Italy para makapagturo ng wika, kultura at panitikan sa mga Pilipinong kabataang lumaki na sa nasabing bansa. Manunulat ng textbook at contributor writer sa culture section ng pahayagang Manila Today. Kasalukuyang guro ng Maka-Pilipinong Pananaliksik sa Antas 12 at Unit Head ng Filipino sa Philippine Science High School – Main Campus.

Mga erya ng pananaliksik: Women Studies, Gender Studies, Panitikan, Cultural Studies

Google Scholar | Academia | ResearchGate

Maria Lucille Roxas

Mahigit 15 taon na naglingkod sa hanay ng mga magsasaka, maralita ng lungsod, at mga katutubong Pilipino bilang aktibista at social development worker. Nagwagi ng Unang Gantimpala sa kategorya ng Maikling Kwento sa Patimpalak ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature taong 2008. May doktorado sa Filipinolohiya at masterado sa Edukasyon mula sa University of the Philippines-Diliman at batsilyer sa Sosyolohiya mula sa Polytechnic University of the Philippines – Maynila.

Mga erya ng pananaliksik: Kultura, mga sektor ng manggagawa at magbubukid
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Roman Marcial D. Gallego

Si Roman Marcial D. Gallego ay nagtapos ng kanyang Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela. Nagtapos naman siya ng kanyang Master of Arts in Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nakapaglathala siya ng kanyang mga akda sa iba’t ibang antolohiya tulad ng Kabig ng Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilpinas at Ani 41 ng Cultural Center of the Philippines. Miyembro rin siya ng mga organisasyong nagtataguyod ng kalagayang pangguro at pangmag-aaral. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng mga kursong Filipino sa Unibersidad ng Santo Tomas at Pamantasang De La Salle.

Mga erya ng pananaliksik: Cultural Studues, Literary Studies, Language Studies

Google Scholar | Academia | ResearchGate

Mon Karlo L. Mangaran

Nagtapos ng Master sa Sining sa Araling Filipino – Wika, Kultura at Midya sa Pamantasang De La Salle – Maynila at kasalukuyang mag-aaral ng Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino – Wika, Kultura at Midya sa nasabing pamantasan. Kasalukuyan siyang Assistant Professorial Lecturer sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University (DLSU) Manila.

Itinanghal na Mananaysay ng Taon 2010 sa Gawad Surian sa Sanaysay ng Komisyon sa Wikang Filipino at nagkamit din ng Karangalang Banggit sa parehong patimpalak noong 2013. Nagkamit din siya ng Ikalawang Pwesto sa Gawad Pedro Serrano Laktaw (Gawad PSL) noong 2020. Ang kaniyang masteradong tesis ay itinanghal bilang “Natatanging Tesis” sa Gawad PSLLF sa Saliksik 2019 na ipinagkaloob ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino.

Maliban sa pagiging guro ay aktibo siya sa paglilingkod sa kanilang barangay. Naging Kalihim ng Panlungsod na Pederasyon ng Sangguniang Kabataan at kasalukuyang nagsisilbi sa kaniyang ikalawang termino bilang Barangay Kagawad.

Mga erya ng pananaliksik: Social Media & Politics, Propaganda & Misinformation, Religious Studies, Performance Studies
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Ma. Anna E. Villanueva

Kasalukuyang Assistant Professorial Lecturer sa Pamantasang De La Salle – Maynila at nagtuturo ng Kultura, Midya, at Teknolohiya sa antas kolehiyo. Nagturo rin ng Filipino at Pananaliksik sa Unibersidad ng Sto. Tomas sa antas senior high school. Kasalukuyang kumukuha ng digring Doktorado sa programang Araling Filipino (Philippines Studies) sa Pamantasang De La Salle, sa nabanggit na pamantasan din nakamit ang digring Masterado sa ilalim ng parehong programa. Nagtapos naman ng Batsilyer ng Artes sa Filipino maynor sa Mass Communication sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Maynila. Mayroong 20 taong karanasan sa akademikong publikasyon bilang editor, manunulat, at textbook evaluator. Naging bahagi rin ng mga online publication tulad ng pagiging editor at manunulat sa Genyo ng DIWA Publishing at pinuno ng Content Development Department sa Quipper-Philippines. Nakapaglathala rin ng mga maikling kuwento, artikulo, at batayang aklat sa DIWA Publishing, C & E Publishing Inc., Rex Bookstore, at Miriam College Literary Journal (Bukad). Nakapagbasa na rin ng papel pananaliksik sa ilang kumperensiya sa Araling Filipino at naanyayahan na rin bilang panauhing tagapagsalita sa mga seminar at workshop na may kaugnayan sa pagsulat sa publikasyon, estratehiya sa pagtuturo ng Filipino, at paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo (Educational Technology).

Mga erya ng pananaliksik: Pelikula, Pananaliksik sa Kasarian, Teknolohiya at Edukasyon
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Josefina C. Mangahis

Nagtapos ng Bachelor of Science in Secondary Education sa Philippine Normal University at PhD sa Filipino sa Manuel L. Quezon University . Naging administrador sa loob ng sampung taon bilang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng Philippine Women”s University at pinarangalan nang limang ulit bilang Pinakamahusay na Guro ng Taon. Nagturo ng 20 taon at naglingkod sa De La Salle University, Manila at anim na taong naging Tagapangulo ng Departmento ng Filipino.

Nagtuturo sa Gradwadong Paaralan , Andergradweyt at Basic Filipino sa mga banyagang mag-aaral ng De La Salle University, Manila.
Nakapagpresenta ng mga pananaliksik na papel sa University of California, Los Angeles, USA, Malaysia, Vietnam at Thailand.
Ipinadala ng De La Salle University sa Regional Language Center, Singapore upang magturo ng wika at kulturang Pilipino sa mga opisyal ng Pamahalaang Singapore.

May-akda ng ng mga aklat sa elementarya, sekondarya at tersyarya. at nakapaglathala ng mga artikulo sa MALAY Journal ng De La Salle University, Manila, SIBOL Journal ng University of Michigan, USA, Bin-I Journal ng Pamantasang Santo Tomas at BANWA Journal ng Far Eastern University. Naging Book Evaluator din siya ng Departamento ng Edukasyon.

Mga erya ng pananaliksik: Wika, Kultura , at Pang-aaabuso sa Kabataan
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Flordeliza S. Rodulfo

Si Flordeliza S. Rodulfo ay nagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education with Social Studies bilang Field of Concentration sa National Teachers College. Noong 2011 ay natapos niya ang kanyang academic requirements para sa Master of Arts in Education major in Social Science . Natapos niya Master of Arts in Education major in Educational Management noong 2016 sa nasabing paaralan. Siya ngayon ay kasalukuyang nag-aaaral ng PhD in Philippine Studies sa Wika, Kultura, at Midya. Mula ng taong 1998 hanggang taong 2020 ay naging guro, academic coordinator, at naglingkod bilang punong-guro sa elementarya sa Mary Immaculate Parish Special School sa lungsod ng Las Pinas. Nagtuturo siya bilang part-time faculty kapwa sa Pamantasang De La Salle – Maynila at sa Departamento ng Filipino at San Beda College Alabang sa College of Arts and Science.

Mga erya ng pananaliksik: kultura at sikolohiyang Pilipino
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Emma Olila-Sison

Si Emma Olila-Sison ay nagtapos ng BSE Major sa Filipino at Minor sa Ingles sa Philippine Normal College, Maynila. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at natapos niya ang mga akademikong kahingian at komprehensibong pagsusulit sa Phd Laderrized Program ng Filipino Language and Literature sa Pamantasang De La Salle – Maynila.

Nagturo siya sa paaralang sekundarya ng 13 taon at pang 36 na taon na siyang nagtuturo sa kolehiyo. Naging bahagi siya ng pagtatatag ng De La Salle –Kolehiyo ng Saint Benilde mula noong taong 1988 hanggang 2010.

OIC- ingat-yaman at patuloy siyang kasapi ng lupong tagapagpaganap ng PSLLF. Siya din ay Teacher Trainor Specialist ng Diwa Learning System Inc. na patuloy na inilulunsad ang misyong How to become a highly effective teacher. Madalas siyang maanyayahan bilang tagapagsalita sa mga training para sa mga gurong kliyente ng nasabing tanggapan.

Naging katuwang na awtor siya ng mga akalat na Akademikong Filipino Para sa Kolehiyo, Pagbasa Pagsulat at Pananaliksik at Retorika sa Mabisang Pagpapahayag ng Mutya Publishing, Inc. Kasapi din siya sa Komite ng nag disenyo ng Module ng GEFILI3 / LCFILIC,DLSU- Departamento ng Filipino. Kaligayahan na niya ang magbahagi ng mga kaalamang may kaugnayan sa pagpapahusay ng pagtuturo ng mga kapwa guro sa larangan ng akademya.

Mga erya ng pananaliksik: Istratehiya sa Pagtuturo, Parenting Module, Time Management, Stress Management for Teachers
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Christopher Bryan A. Concha

Si Christopher Bryan A. Concha ay nagtapos ng AB Philippine Studies major in Filipino in Mass Media (Magna Cum Laude), Master of Arts in Philippine Studies (Outstanding MA Thesis), at kasalukuyang kumukuha ng PhD in Philippine Studies mula sa Pamantasang De La Salle – Maynila.

Nagwagi siya ng Unang Karangalan sa Pagsulat ng Sanaysay sa 31st DLSU Annual Awards for Literature. Siya rin ang kauna-unahang nagkamit ng Natatanging Lasalyanong Iskolar (Kahusayan sa Larangang Akademiko) mula sa DLSU Office of Admissions and Scholarships (OAS) at Lasallian Scholars Society (LSS).

Nailathala na ang kaniyang mga sanaysay, dagli, at maikling kuwento sa iba’t ibang antolohiya at dyornal kabilang ang ANI 40: Katutubo (CCP Intertextual Division, 2018), Agos Refereed Journal ng Malikhaing Akdang Pampanitikan (Sentro ng Wikang Filipino, 2020), Dx Machina 2: Philippine Literature in the Time of COVID-19 (UP Likhaan, 2021), at Tomás: The Journal of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies (UST CCWLS, 2021)

Gayundin, nailathala na ang kaniyang mga papel-pananaliksik sa iba’t ibang pambansa at internasyonal na dyornal kabilang ang SCOPUS-indexed journal na Plaridel: A Philippine Journal of Communication, Media, and Society, at Computers in the Schools: Interdisciplinary Journal of Practice, Theory, and Applied Research.

Naging writing fellow rin siya sa 2019 UST National Writers’ Workshop (Sanaysay), Palihang Rogelio Sicat 14 (Dagli), at 10th KRITIKA La Salle National Workshop on Art and Cultural Criticism (Film Criticism).

Siya ang kasalukuyang Pangalawang Pangulo ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO). Ganap na kasapi rin siya ng KATAGA, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc., at isa sa mga Tagapangasiwang Patnugot ng LUNTIAN: Online Journal para sa Malikhaing Akda ng mga Guro at Gradwadong Mag-aaral.

Nagtuturo rin siya sa Departamento ng Pantikan ng Pamantasang Santo Tomas.

Mga erya ng pananaliksik: Philippine Studies; Popular Culture; Film Studies; Filipino Psychology; Creative Writing
Google Scholar | Academia | ResearchGate

Joshua Mariz B. Felicilda

Si Joshua Felicilda ay nagtapos ng Batsilyer sa Sining sa Pilosopiya, cum laude, sa Pamantasan ng Santo Tomas noong taong 2015. Natapos niya ang kanyang Masteral sa Sining sa Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle – Maynila, taong 2018. Tumanggap siya ng Outstanding Thesis Award para sa kanyang Masteral na Tesis na pinamagatang “Ang Mga Ideolohiyang Politkal sa mga Nobel ani F. Sionil Jose”. Nakapaglathala siya ng mga artikulo sa Malay Journal, Kritike at Humanities Diliman, at kasalukuyan siyang patnugot sa suring-aklat ng Dalumat journal. Kasalukuyan niyang kinukuha ang kanyang Doktorado sa Pilosopiya sa Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Nakapagturo siya bilang Teaching Assistant sa Pamantasan ng De La Salle – Maynila at Assistant Professor Lecturer sa Pamantasan ng Malayong Silangan.

Mga erya ng pananaliksik: Pilosopiyang Filipino, Pagsasalin sa Filipino
Google Scholar | Academia | ResearchGate