Sina Gat Uban at Horacio dela Costa sa Mauban: Mga Paghahanap sa Tanawin Tungo sa Pagbubuo ng Lokal na Kasaysayan at Pambayang Identidad / Gat Uban and Horacio dela Costa in Mauban: Landscape as Embodiment of Local History and Identity
Nelson Turgo
Abstrak
Dalawang magkakaiba, pinaghiwalay ng daang taong harurok ng panahon, subalit magkakaugnay na personahe ng kasaysayan ng Mauban ang nais kong bigyang pansin sa pag-aaral na ito: si Gat Uban, ang kinikilala sa Mauban na pinagkuhaan ng pangalan ng bayan, at si Horacio dela Costa naman ay isang paring Heswita at bantog na historyador, nabibilang sa isa sa mga prominenteng pamilya sa Mauban at kinikilala bilang pinakamatalinong Maubanin sa kasaysayan. Sa mahaba-haba na ring kasaysayan ng Mauban, masasabing sila ang pinakatanyag na mga anak ng Mauban. Bunsod nito, marami ring mga daan, pagkilala at komersiyo ang ipinangalan sa kanila (halimbawa, may daan sa Mauban na Horacio dela Costa, at may monumento si Gat Uban sa may tabing dagat). Kumbaga, may hatak na sila sa pambayan at popular na imahinasyon ng mga Maubanin at bunsod nito, bahagi na sila ng mythscape ng Mauban. Bunsod ng kanilang popular at mahalagang puwesto sa kasaysayan ng Mauban, hanguan din sila ng retorika ng identidad na kalimitang ikinakabit sa kung ano ang ‘nararapat’ na tunguhin at dalahing pagpapahalaga ng mga Maubanin. Sa papel na ito, bibigyang pokus ang ganitong gawain at ang mga isyung nakapaloob sa pagbuo ng lokal na kasaysayan at paglikha ng pambayang identidad ng mga Maubanin.
Mga Susing Salita: bayan; identidad; kumbati; lokal na kasaysayan; Mauban
Two figures from Mauban will be the focus of this study. Though they belong to different historical periods, they share the same ‘narrative thread’, as it were, in terms of their contribution to Mauban local history and identity. The first one is Gat Uban, a mythological figure in Mauban history and from whom the name of the town was said to be derived and the second one is Horacio dela Costa, scion of one of the landed and prominent families in Mauban, a reknown Jesuit historian and academic and considered to be the most intelligent Maubanin who ever lived. Gat Uban has a monument by the promenade while dela Costa has a street named after him, testaments to their salient contribution to Mauban local history and identity. Such ‘memorialisation’ signals their symbolic potency and discursive embeddedness in local popular imagination. They are part and parcel of the town’s mythscape. As such, they have become the epitome of what Mauban and its people should represent and cultivate: courage, wisdom and excellence. However, Gat Uban and dela Costa as socio- cultural texts signify more than what the popular conceptualisation purports them to be and this will be discussed in the study.
Keywords: discourse; identity; local history; Mauban; nation