Unawa – Mula Pag-iisa tungo sa Pakikiisa sa Kapwa: Ang Pag-iisip sa Panahon, Pag-asa, at Pagtanda / Unawa/Understanding – from ‘Separate-ness’ to Shared Inner Self: Thoughts about Periods, Hope, and Ageing

Roberto E. Javier, Jr.

 

Abstrak

Tinatalakay sa papel ang pag-uugnay sa paglawak ng pang-unawa at ang pagtanda. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa wikang ibinubunga ng karanasan (kultura), tinuklas ang pagbubuo ng kognisyon ukol sa unawa mula sa pag-iisa patungo sa pakikiisa sa kapwa pati ang pag-iisip sa panahon, pag-asa, at pagtanda. Pinagtuunan ng pansin ang mga pagkakaugnay ng mga kaisipang buhat sa wika at karanasan. Hinagilap sa leksikon at semantika, pati sa mga salitang naghahayag ng dinaranas- dinaramang daloy ng búhay (larangan ng karanasan), ang pagsisinop. Mula ang mga ito sa mga likha ng tao (binuong kultura bílang katibayan ng karanasan) tulad ng mga liriko sa popular na awit noong dekada otsenta ng nakalipas na dantaon, mga sinasabi dati pa, mga sinaunang salita, at sa paraan ng pagpapantig at pagbubuo sa wika. Iniugat, iniugnay-ugnay, at inisipan ng kahulugan at kabuluhan ang mga nakalap na salita’t sinasabi. Nalinang sa ganitong metodo ang paglalarawan sa paninibago’t pagbabago sa pagtanda na naisasakonteksto sa kultura at lipunan (hal. kapanahunan). Sa papel na ito, ang tinutukoy na ‘tumatanda’ sa tiyempo ngayon (oras) ay iyong lalabintaunin noong 1980’s at mga lilimampuin (edad 50+) na ngayon. Hindi lang may nagbabago (lalong gumugulang na katawan) kayâ naninibago, kundi may nag-iiba habang patuloy na dinaranas-dinarama sa daloy ng búhay. Ito ay ang paglawak ng unawa na kaugnay ng panahon at pag-asa. Gamit rin ang pamamaraang lingguwistika, siniyasat pa ang salitang unawa kung saan naiuugat ang kaluluwa (nawa, sinaunang salitang tulad ng deva, diwa, jiwa). Iisa ang batis ng pakahulugan sa laya, raya, at saya (haya-an, baya-an) pati ang ka-ayo at kaaya-aya (ayon, ayos) na lahat ay naiuugnay sa paglawak ng unawa. Nahihiwatigan na may pagsulong ng espiritwalidad na nakatuon sa kapwa mula sa pag-iisa tungo sa pakikiisa (sa Ingles, integration not individuation).

Mga Susing Salita: pag-iisip, panahon, pag-asa, unawa, kapwa, pagiging matanda.

 

This paper presents a discussion in the development of understanding/unawa as it relates to ageing. In doing analysis of language, itself as product of experience (culture), the cognitive construction of human ‘understanding’ (unawa) is explored from the thinking and feeling of the ‘separate-ness’ to a ‘sense of shared inner self’ with the ‘other’ (kapwa). Explored are conceptions related to ‘understanding’ such as thoughts about life occurences or events (panahon), hope (pag-asa), and becoming an older person whom has to remember or having memories (pagtanda). Data were drawn from lexical and semantic domains and the domain of experience. These were derived from lyrics of songs, old sayings, archaic words still in use today, and in how Filipinos say/hear the expressed words to articulate their meanings. In making interpretations, the tasks included tracing the roots of these words, relating them to personal and social life. Through this method, explanations are made about how one experiences life occurences/events that results in having a sense of being old (change experience) and of being new (experiencing adjustments). Life is experienced through periods/time in a given culture e.g. pagtanda (being old in the now so as to remember life events in the past that are continuing in the present). This explains unawa. Unawa is traced from ancient Tagalog; linked to kaluluwa (similar to Sanskit deva or Tagalog diwa which is like the English ‘spirit’). Related to unawa are laya (kalayaan, freedom), raya (hiraya, imagination) and saya (magsaya, haya-an or ‘let be’, baya-an or give liberty), ka-ayo at kaaya-aya (ayon- in accord, ayos- in order). As a person advances in age, he/she expounds his/ her understanding (paglawak ng pang-unawa); associated with spiritual growth, one seeks integration (kapwa) and away from ‘separate-ness.’

Keywords: thought, life events, hope, understanding, shared self, memory, being old.