Tapagtaguyod ng Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino at ng Pilosopiyang Pilipino: Pakikipanayam Tungkol sa Pilosopiya at Praksis ni Dr. Florentino T. Timbreza / Advocate of the Intellectualization of Filipino Language and of Filipino Philosophy: An Interview on the Philosophy and Praxis of Dr. Florentino T. Timbreza
Vladimir B. Villejo at Leslie Anne L. Liwanag
Abstrak
Itinuturing na isa sa mga haligi na nagtaguyod ng intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino at ng Pilosopiyang Pilipino si Florentino T. Timbreza. Hindi maipagkakailang hinarap ni Timbreza ang hamon ng situwasyon ng pamimilosopiya na pinagsibulan ng talaban ng mga pananaw sa kairalan o kawalan ng Pilosopiyang Pilipino. Kabilang dito ang patuloy na paggiit sa paggamit ng Wikang Filipino sa pamimilosopiya na tinututulan ng ilan sa mga Pilipinong dalubhasa sa larang. Bilang handog sa ika-80 na kaarawan ni Timbreza, minabuting balikan ang naging estado, hamon, patutunguhan, at kabatiran para sa direksiyon ng Pilosopiyang Pilipino sa pamamagitan ng pilosopikal na diskurso ng pantas. Naisakatuparan ang pakikipanayam kay Timbreza noong ika- 29 ng Hulyo, 2018 at ika-28 ng Abril, 2019 sa kaniyang tahanan sa may Lungsod ng Muntinlupa.
Mga Susing Salita: Dr. Florentino T. Timbreza, Intelektuwalisasyon, Wikang Filipino, Pilosopiyang Pilipino, Pilosopiya, Praksis
Florentino T. Timbreza is notable for his commitment to the intellectualization of Filipino and to philosophizing using the Filipino language and of Filipino Philosophy. Timbreza inevitably faces the challenge of a philosophical situation where opposing views emerge – the presence and/ or absence of Pilipino Philosophy. Furthermore, there is a persistent demand for the intellectualization of the national language by using it as a medium in the field of philosophy, a method in which not all philosophy students and scholars agree to. As a tribute to his 80th birthday, this project aims to interview Timbreza about the current status, challenges, probable directions, and insights on Pilipino Philosophy. The interview was set on July 29, 2018 and April 28, 2019 in his home at Muntinlupa City.
Keywords: Dr. Florentino T. Timbreza, Intellectualization, Filipino Language, Pilipino Philosophy, Philosophy, Praxis