Ang Bulwagang San La Salle: Pakikipanayam sa Apat na Dalubhasa nitong Sentenaryo ng Paglatag ng Cornerstone ng Nasabing Pamanang Estruktura ng Pamantasang De La Salle Maynila / The Saint La Salle Hall: Interviews with Four Experts on the Occasion of the Centenary of the Cornerstone Laying of the Said Heritage Structure of the De La Salle University, Manila
Joshua Mariz B. Felicilda at Feorillo Petronilo A. Demeterio III
Abstrak
Ang Bulwagang San La Salle ay ang pinakamatanda at pinakatanyag na gusali sa Pamantasang De La Salle, Maynila, Pilipinas. Dinisenyo ito ni Tomas Mapua, inilatag ang cornerstone nito noong 1920, at pinasinayaan noong 1924. Ginawa ng mga may-akda ang papel na ito bilang kanilang alay sa sentenaryo ng pagkalatag ng nasabing cornerstone, at pati na sa paparating na sentenaryo ng pagpasinaya ng nasabing bulwagan. Apat na dalubhasa ang kinapanayam ng mga may-akda para maidokumento ang kasaysayan, kahalagahan, at kalagayan at direksiyon ng konserbasyon at restorasyon ng nasabing pamanang estruktura. Una ay si Doktor Jose Victor Jimenez, isang assistant professor sa kasaysayan ng Pamantasang De La Salle, na may marami nang pananaliksik at publikasyon na nagawa tungkol sa institusyunal na kasaysayan ng nasabing pamantasan. Ikalawa ay si Ginoong Josemari Calleja, ang kasalukuyang Associate Vice Chancellor for Campus Development ng Pamatasang De La Salle, na siyang nakatutok sa mga ginagawang konserbasyon at restorasyon ng nasabing bulwagan. Ikatlo ay si Doktor Eric Zerrudo, ang direktor ng Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics ng Graduate School ng Pamatasang Santo Tomas, na dalubhasa sa usapin ng konserbasyon at restorasyon ng mga pamanang estruktura sa bansang Pilipinas, at isang alumnus ng Pamantasang De La Salle. Ikaapat ay si Br. Manuel Pajarillo, FSC, dating miyembro ng Board of Trustees ng Pamantasang De La Salle, at kasalukuyang Vice Chancellor for Research ng De La Salle Lipa, at isang Lasallian Brother.
Mga Susing Salita: Bulwagang San La Salle, Pamanang Estruktura, Pamantasang De La Salle, Tomas Mapua, Konserbasyon, Restorasyon, Adaptive Reuse, Compatible Use
The Saint La Salle Hall is the oldest ang most famous building of De La Salle University, Manila, Philippines. This was designed by Tomas Mapua, its cornerstone was laid in 1920, and it was inaugurated in 1924. The authors of this interview article embarked on this project as their way of honoring the centenary of the cornerstone laying of the said heritage structure, as well as the coming centenary of its inauguration. Four experts were interviewed by the authors in order to document the history, value, and status and direction of the conservation and restoration of the said heritage structure. First is Dr. Jose Victor Jimenez, an assistant professor of history at the De La Salle University, who has a number of researches and publications on the institutional history of De La Salle University. Second is Ms. Josemari Calleja, the current Associate Vice Chancellor for Campus Development of De La Salle University, and who is the one in charge of the ongoing conservation and restoration of the said hall. Third is Dr. Eric Zerrudo, the director of the Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics of the Graduate School of the University of Santo Tomas, who is an expert on the conservation and restoration of heritage structures in the country, and an alumnus of De La Salle University. Fourth is Br. Manuel Pajarillo, FSC, who is a former member of the Board of Trustees of De La Salle University, the Vice Chancellor for Research of De La Salle Lipa, and a Lasallian Brother.
Keywords: Saint La Salle Hall, Heritage Structure, De La Salle University, Tomas Mapua, Conservation, Restoration, Adaptive Reuse, Compatible Use