Blaan sa Pilipinong Sosyolohiya: Ang Nawáh sa mga Danas sa Facebook Bilang Pook ng Talastasan, Ugnayan, at Alaala Blaan in Filipino Sociology: Nawáh on the Experiences in Facebook as Medium of Communication, Connection, and Memory

Jun Yang Badie

 

Abstrak

Sentro ng pag-aaral na ito ang Blaan, isang etno-lingguwistikong pangkat na matatagpuan sa Katimugang Mindanao, sa ibang panig ng bansa, at sa buong daigdig na lumikha ng bagong lipunan sa social media tulad ng sa Facebook. May tatlong FB Group na umiiral sa kasalukuyan: Dad Blaan Level Up, Blaan Professionals, at Blaan Internationals. Ang Facebook ay nagiging pook ng talastasan, ugnayan, at imbakan ng alaala. Ito ay lunsaran ng pakikipagtalastasan, pakikipag-ugnayan, at pag-alala ng mga personal at panlipunang danas ng mga Blaan. Sinuri sa papel na ito kung paano nakatulong ang nawáh (kabutihan, kalooban, alaala) sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa mga kuwento o danas ng mga Blaan. Ito ay maaaring ambag sa kulturang Blaan at lipunang Pilipino.

Mga Susing Salita: Blaan, Danas, Facebook, Nawáh, Pilipinong Sosyolohiya

 

This study focuses on Blaan, an ethnolinguistic group that can be found in Southern Mindanao, in other regions of the Philippines, and in some parts of the world, who utilizes Facebook to sustain their communities. Three Facebook groups are active – Dad Blaan Level Up, Blaan Professionals, and Blaan Internationals. These groups serve as medium of communication, connection, and memory – where communicating, connecting, and recalling the personal and social experiences of Blaan happens. This paper analyzes how nawáh (goodness, will, memory) has helped the Blaan in communicating with and connecting to their stories and experiences. This paper will be a contribution to Blaan culture and Filipino society.

Keywords: Blaan, Experiences, Facebook, Nawáh, Filipino Sociology