Ang Malay, isang national refereed jornal na multi-disiplinari sa Filipino ay nililimbag makalawa isang taon sa ilalim ng pamamahala ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, para sa Pamantasang De La Salle. Bilang jornal na multi-disiplinari, nagtatampok ang Malay ng mga papel, riserts, at artikulong naglalahad ng mga kaisipan at kaalaman mula sa iba't ibang disiplina. Ang mga ideya, opinyon, at paninindigan ng mga may-akda ay pananagutan nila at hindi repleksyon ng mga opinyon at patakaran ng Mga Patnugot, ng kaguruan, o ng pangasiwaan ng pamantasang ito.
Mga Patnugot
Punong Editor
Fanny A. Garcia
Pamantasang De La Salle, Maynila
Tagapamahalang Editor
Winton Lou G. Ynion
Pamantasang De La Salle, Maynila
Mga Kasangguning Patnugot
Aurora E. Batnag
Samahan ng mga Tagasalin
Maria Luisa T. Camagay
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Pamela C. Constantino
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Antonio P. Contreras
Pamantasang De La Salle, Maynila
Bienvenido L. Lumbera
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Ruth Elynia S. Mabanglo
University of Hawaii - Manoa
Benilda S. Santos
Pamantasang Ateneo de Manila
E. San Juan, Jr.
Philippine Cultural Studies Center, Connecticut, USA
Florentino T. Timbreza
Pamantasang De La Salle, Maynila
Rolando S. Tolentino
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Tereso S. Tullao, Jr.
Pamantasang De La Salle, Maynila
Galileo S. Zafra
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Panawagan para sa mga Lathalain
Ang Malay, isang interdisiplinaryong journal na peer-reviewed ng Pamantasang De La Salle (DLSU), ay tumatanggap ng mga lathalain tungkol sa mga usapin at dalumat kaugnay ng wika, kultura, at midya sa/ng Filipino. Ang panawagang ito para sa huling dalawang isyu sa taong akademikong 2007-2008.
Ang tema ng nasabing dalawang isyu ay suporta sa limang pangunahing tuon sa riserts na inilatag ni Bro. Armin Luistro, FSC, presidente ng Sistemang DLSU: kapaligiran (environment), pamamahala (governance), kabataang nasa panganib (youth at risk), globalisasyon at teknolohiya (globalization and technology), at pagsugpo sa kahirapan (poverty alleviation). Sa limang ito, ang tuon muna ay ang mga sumusunod:
Migrasyon at Diaspora sa panahon ng globalisasyon
Abril 2008 (Tomo 20, Bilang 2)
Dedlayn: Oktubre 15, 2007
Pamilyang Filipino at Kabataang nasa Panganib
Setyembre 2008 (Tomo 21, Bilang 1)
Dedlayn: Enero 31, 2007
Impormasyon para sa mga Kontribyutor