The DLSU Newsletter online

03 SEPT 2001. VOLUME 33. NUMBER 14. 4 PAGES 

newsletter front page
faculty news
this week at DLSU-Manila
announcements
updates
lasallian thoughts
archives
contact us
inside news

Bautista, Domingo, nagkamit ng Gawad Lasallian sa Filipino

Pinarangalan ng Departamento ng Literatura at Wikang Filipino (DLWF) sina Dr. Maria Lourdes Bautista at Dr. Eduardo Domingo ng Gawad Lasallian sa Filipino na ginanap sa Tereso Lara Seminar Room, ika-31 ng Agosto.

Ang parangal na ito ay para sa mga natatanging administrador, guro, estudyante, at co-academic personnel na nagsusulong ng pag-aaral sa Filipino at konsistent sa paggamit ng wikang Filipino sa kanilang propesyon.

Iginawad ang Gawad Lasallian bilang administrador kay Bautista ng English Language Department dahil sa kanyang pagsulong ng wikang Filipino sa riserts at pagbibigay inspirasyon sa mga gawaing intelektwalisyon ng wika sa pamamagitan ng araling gradwado, publikasyon ng agendang pangwika, at malawakang kilos pangwika.

Tinanggap naman ni Domingo ng Religious Studies Department ang Gawad Lasallian bilang fakulti dahil sa kanyang masikhay na paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pagtuturo, publikasyon, paglelektyur, at panlahat na gamit ng wika sa mga gawaing pang-akademik.

Binigyan naman ng Gawad Lasallian bilang estudyante si Paolo Umali bilang pagkilala sa kanyang paggamit ng wikang Filipino sa pamahayagang pangkampus. Ito ay naging instrumento sa pagpapalaganap ng intelektuwalisadong uri ng wikang naghahayag ng katotohanan. Si Umali ay nagsilbing punong editor ng Ang Pahayagang Plaridel

Ang Gawad Lasallian ay taunang parangal na ibinibigay ng DLWF bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Nagsimula ang parangal na ito noong 1990 bilang Gawad Paraluman Aspillera, at naging Gawad Lope K. Santos ng nakaraang dalawang taon, at ngayon ay Gawad Lasallian sa Filipino.

back | main

>>

HOME FrontGo to the top of the page
This is best viewed with MS Internet Explorer 4 or Netscape Communicator 4 and above.
You can set your video resolution to 800x600 pixels (16 bit/24 bit color/32 bit) for best results.